Chapter 32

41.9K 466 47
                                    

Chapter 32

PINKY'S POV

"Yeah... Sige-sige. I'll see you later." I said and ended the call.

Nandito ako sa AU, kakatapos pa lang ng klase namin. Siya nga pala, Ex boyfriend ko yung tumawag sa'kin kanina.

Yeah. My Ex! Call me whatever you want. Pero... Urgh! I don't know. Hindi pa rin ako nakaka-move-on sa kanya. We broke up 3 months ago pero until now I'm still inlove with him. I hate myself for being stupid. I said to myself that I'll be moving on but my stupid heart is just so stupid.

Jae said why am I stupid when it comes to love? Tama naman siya eh. Ang tanga ko talaga pag dating sa pag-ibig. Sabi niya, karamihan sa mga lalake ngayon mga manloloko. Kaya ang ginagawa niya, siya mismo ang mangloloko sa mga lalake kasi ayaw niya matulad sa Mom niya.

Yes! That's why she's a playgirl. Kala niyo siguro trip trip lang ni Jae maging playgirl? Hindi ah. She's doing that because of her father. Niloko ng Dad niya ang Mom niya. It's a long story.

Pumunta muna ako sa CR. Magreretouch lang because later, I'm going to see my ex. Sabi niya hihiwalayan na raw niya yung girlfriend niya kaya gusto niya magkita kami. He said that he missed me. Well, I missed him too.

Pumasok na ko sa cubicle hanggang sa marinig ko yung Banana Girls.

Tss. Annoying monkeys!

"Urgh! I super hate that Dominique! Yesterday she's with Prince and today she's with Kian! What's with her!?" rinig kong sabi ni Barbie. What's with her? Dom is simple. She's pretty. She's kind. Wala kang binatbat kay Dom. Duh! I was about to open the door when suddenly I heard something.

"Asar! Lahat na lang nilalandi niya." Naomi

"Yeah! I do hate her too. She's a flirt. Yesterday Prince, today Kian and tomorrow? Who's next? Alex? Subukan lang niyang landiin si Alex my loves makakatikim talaga siya sa'kin." -Nadine. Duh! Kung maka-Alex-my-loves naman 'to. Kala mo kung sino. Eww!

Lalabas na sana ako nang biglang may nagtext.

Psh! Speaking of. I open his message.

From: Alex

Pinks, where are u? Can we talk?

Tss. Ayan nanaman si Alex. Why is he inlove with me? Di ako bagay sa kanya.

To: Alex

Why? May lakad pa ako.

Lumabas muna ako sa cubicle. Paglabas ko wala na yung mga saging. Mabuti naman. Baka di ko makaya yung presence nila.

Nag-vibrate na naman phone ko.

From: Alex

Lakad? Bakit? Magkikita na naman kayo ng ex mo?

Psh! Hindi ko na lang siya nireplyan.

Pagtapos kong mag-retouch pumunta na ako sa parking area. Pupunta na ako sa park. Dun naman kami lagi nagkikita ng ex ko eh. Kahit nung kami pa. Schoolmate ko nga pala siya. And I'm hoping he'll be my date next week para sa ball namin.

Nandito na ako sa park. Maaga pa. 4pm pa lang, 5pm yung usapan namin. Pero I just want to stay here. Ayoko sa school mamaya makita ko pa si Alex.

Maraming couples ang laging nakatambay dito. Nakakainggit nga eh. Halos lahat ng nandito may partner, ako lang ang wala.

Tumitingin lang ako sa paligid ko hanggang sa...

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko...

I saw him... I saw them kissing. My ex and her girlfriend. They're kissing like no one's watching them. They're kissing passionately. And that's why my f*cking tears are falling. Urgh! I hate tears.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon