Chapter 66

18.8K 327 42
                                    

Chapter 66

PRINCE'S POV

Bumili ako ng bulaklak para kay Kislap. Nandito siya sa park at mag-isa lang siya. Siguro day-off niya ngayon. Araw-araw ko siyang dinadalaw sa shop na yun. Sila Raphael pala ang may-ari no'n. Tsk.

Kung minsan gusto ko ng sapakin si Raphael, eh pa'no ang hilig yumakap at halikan sa noo si Kislap. May gusto yata 'to sa taong mahal ko. Tsk. Ayaw kong magalit sa'kin si Kislap kaya pinipigilan ko ang sarili ko para hindi magkaroon ng gulo.

Araw-araw ko siyang pinapadalhan ng bulaklak sa shop. Pinapadeliver ko lang ito kasi 'pag ako ang personal na magbigay paniguradong magagalit 'yun at ang pa-epal na si Kian at Raphael na naman ang makikita ko. Nung isang araw kasi sinubukan kong bigyan ng bulaklak si Kislap ng personal kaya lang nando'n yung dalawang epal sa shop. Wala akong nagawa kundi umalis na lang. Naiinis ako dahil sa dalawang yun. Kung makaasta sila akala mo sila yung boyfriend. Tsk.

Kaya naman sinusulit ko lang ang pagkakataon na 'to na mag-isa lang siya para makausap siya at makasama.

Umupo siya sa isang bench dun. Nakatingin lang siya sa kawalan at hawak niya ang cellphone niya. Parang napakalungkot niya. Lagi na lang siyang malungkot sa tuwing nakikita ko siya at hindi ko kaya na nagkakaganyan siya dahil mahal na mahal ko siya ng sobra.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ko ang number niya. Actually, nagpalit siya ng bagong number kaya nga dati hindi ko siya macontact pero naghanap ako ng paraan para makuha ang number niya. Ako pa ba?

Sinagot na niya ang tawag ko sakanya. Nandito lang naman ako sa gilid niya. Nakatago ako sa isang malaking puno rito.

"Hello? Sino 'to?"

"Ang future husband mo."

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Sino ka? Pano mo nalaman ang number ko?"

"Basta. Tumingin ka na lang sa gilid mo." Sagot ko. Agad naman siyang tumingin sa direksyon ko at nagulat nang makita ako.

"P-prince?"

"Oo, Kislap ako nga."

Binaba ko na ang tawag at nilapitan ko siya. Nasa harap na niya ako ngayon. Bakas na bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat pero unti-unti itong nagbago.

"Ano nanaman ba ha Prince? Hindi ka ba marunong makaintindi?! Kelan ka ba titigil sa mga pinaggawa mo?!"

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at agad kong ipinakita ang bulaklak na kanina pa nakatago sa likod ko.

"For you. Sana tanggapin mo." Ibibigay ko na sana yung bulaklak sa kanya kaso itinaboy lang niya ito.

"Prince tama na please. Tigilan mo na to..." unti-unting tumulo ang mga luha niya kaya agad siyang yumuko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya. "Kislap, kahit ilang beses man akong humingi ng tawad sa'yo at kahit ilang beses mo man akong ipagtabuyan, nandito pa rin ako. Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako. Mahal na mahal kita sobra."

Hindi niya ako niyakap pabalik pero ramdam ko. Ramdam na ramdam kong mahal niya pa rin ako. Kahit na ipinagtatabuyan niya ako. Wala akong pakialam. Alam kong nahihirapan lang siya sa sitwasyon naming ngayon. Kaso wala naman akong magawa kundi tanggapin ang katotohanan na may anak na ako kay Danica. Pero may naisip akong solusyon. Alam kong hindi ito maganda pero mahal na mahal ko si Kislap. Ayoko talagang magpakasal kay Danica. Hindi naman siya ang gusto ko. I don't want to spend my life with her.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon