Prologue

200K 1.8K 187
                                    

P R O L O G U E

DOMINIQUE'S POV

"Berto! Mia!" sigaw ni Aling Bakulaw este ni Aling Cecil mula sa labas ng bahay namin.

Hay naku! Nandito na naman yan para maningil ng utang. Tsk. Akala mo naman tatakasan namin siya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko.

"Ate! Ate! Nandiyan na naman po si Aling Cecil." Nagmamadaling sabi ng kapatid kong si Jake pagkapasok niya sa kwarto ko ilang sandali pa ay pumasok na rin pati ang dalawa ko pang kapatid.

"Oo nga eh para siyang loudspeaker." Sabi ko at nagbuntong-hininga habang nililigpit ang pinaghigaan ko.

Napatingin ako sa mga kapatid ko na nag-aalala habang nakatitig sa'kin. Mga bata pa sila para problemahin ang bagay na 'to. Teka... Ang aga yata magising ng mga kapatid ko ngayon ah.

"Ate, ano na ang gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ng kapatid ko na si Monique, siya ang sumunod kay Jake nasa sampung taong gulang pa lang siya, si Jake naman kinse anyos na.

"Ano po sasabihin niyo sa kanya? Eh nasa palengke pa sila nanay at tatay." Tanong ng bunso kong kapatid, si Sheila, pitong taong gulang pa lang.

Napatitig na lang ako sa mga kapatid kong may bahid ng pag-aalala sa kanilang mukha. Nilapitan ko sila at isa-isang ginulo ang mga buhok nila. Hay... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami na naming utang at isa na dun ay kay Aling Cecil. Hindi pa kasi namin nababayaran yung upa namin nung nakaraang dalawang buwan saka pati para sa ngayong buwan. Wala pa rin kaming pambayad. Hindi na namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad, kung umuulan lang siguro ng pera ngayon edi hayahay buhay sana kami.

"Ako na lang ang kakausap sa kanya. Dito lang kayo ah." Bilin ko sa kanila at agad naman silang tumango.

Sila nanay at tatay kasi nasa palengke nagbebenta ng mga gulay. Yun lang ang tangi naming ikinabubuhay.

Lumabas na ako sa munti naming bahay at nakita ko doon ang nag-aalborotong si Aling Cecil. Para siyang toro na galit na galit at may lumalabas na usok sa ilong. At nang tuluyan na niya akong makita ay walang pakundangan ang kanyang pagsigaw.

"Hoy Dominique! Nasaan na ang bayad niyo sa upa ha?! Ang laki-laki na ng utang niyo sa'kin! Aba kung ganyan lang din naman na hindi kayo nagbabayad, mas mabuti pang lumayas na lang kayo rito!" Galit na galit na sigaw ni Aling Cecil. Halos magsitinginan na sa'min ang iba naming kapitbahay. Agaw eksena kasi si Aling Cecil.

"A-Aling Cecil, pasensya na po pero wala pa po kaming pambayad eh." Nahihiya kong sabi sa isang mahinahon na boses. Nakatingin pa rin ang iba naming kapitbahay kaya napayuko na lang ako. Sanay naman na ako sa ganitong eksena na may susugod sa bahay namin para maningil pero nakakahiya pa rin ang sigaw-sigawan ka. Pakiramdam ko tuloy sobrang baba kong tao.

"Wala na naman?! At kailan na naman kayo mangangakong magbabayad ha!? Sa susunod na naman na buwan? Hindi na ako natutuwa sa mga palusot niyong yan! Bukas na bukas mag-empake na kayo!" Galit na galit na sabi niya kaya nagulat ako. Paano na 'to? Paano kapag walang nahiraman sila nanay at tatay na pera sa palengke? Saan naman kami pupulutin nito?

"Aling Cecil, please po pwede po bang sa isang buwan na lang kami magbayad o di kaya sa isa pang buwan? Walang-wala pa po kasi talaga kaming pera ngayon eh." Pagmamakaawa ko sa kanya. Wala nga kaming pangkain, pambayad pa kaya ng upa?

"Ay! Ano ba yan! Jusmiyo! Sa isang buwan na naman? Tapos pag hindi ulit nakabayad, sa susunod ulit na isang buwan? Ano ba?! Nakakasawa na yang mga sinasabi niyo ah!" Ikaw naman nakakasawa mukha mo. Tsk. Kung may pambayad lang kami bakit pa ako magtiya-tiyagang pakinggan ang mga pangungutya niyo sa pamilya namin diba?

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now