Sharing 20

712 10 0
                                    

A/N: Merry Christmas Everyone! Godbless.

-

Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

Lucas 16: 10-12

Maging tapat tayo sa lahat ng oras. Palaging isaalang alang natin ang mga bagay na matuwid at hindi nakakapang lamang sa kapwa. Matuto din tayong makuntento at maghintaysa nakalaan sa para sa atin. Huwag tayong magpakabulag sa mga mga bagay at makamundong kayamanan na pansamantala. Dahil kung sa simpleng ga bagay ay hindi maipagkatiwala sa atin paano pa ang malaking bagay.

--*

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!” Tumugon ang Panginoon, “Kung ang inyong pananampalataya ay sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.”

Lucas 17:5-6

Kung nagdadasal nga tayo pero nagdududa naman tayo wala din yun kahulugan. Dapat kapag nagdasal tayo hinahayaan natin ang will ng Lord ang masunod. Palaging may sagot ang Lord iba iba nga lang. Yes, kapag nakamit no. No,  kapag ang hinihiling mo ay hindi para sayo at ay mas maganda sya nakalaan para sayo. Wait, kapag ibibigay sayo pero sa tamang panahon. Ang ating pananampalataya ay tayo mismo ang makakapaglago. Have faith. Believe.

--*

“Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”

Luke 21: 35-36

Huwag natin ubusin ang oras natin pag
at pag alala sa kinabukasan. Dahil may bibigay ma para sayo ang Lord. Huwag natin ituon ang atensyon natin sa mga makamundong bagay. Ang purpose natin ay makilala at Diyos at maipagamit sa kanya ang ating buhay.

--*

Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi… ginagawa: Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

Luke 23: 33-34

Tinanggap ng Jesus ang hirap at pagpapakasakit sa krus dahil sa pagmamahal Nya sa atin. Pinili nyang akuin ang lahat  ng sakit sa krus. Kaya sana sa twing nada'down tayo at naiisip natin na parang wala tayo kasama, sa twing parang kinakain na tayo ng lungkot isipin natin na napapawalang saysay ang paghihirap ni Jesus. Your life is worth living for. Huwag nating iisiping nag iisa tayo. Kasama natin ang Lord,  palagi. Ang Jesus na namatay sa krus habang kapakanan natin ang iniisip ay  ang Jesus padin na kasama natin hanngang ngayon. Bineblessed tayo, iniingatan at minamahal.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now