Sharing 11

370 9 1
                                    

"Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan hindi ang mga banal."

Mark 2:17

Unang una pa lang makasalanan na tayo bago pa tayo ipanganak ay minana na natin ang kasalanan ng ating mga ninuno. Makasalanan tayo, yun ang dahilan kung bakit binigay ng Lord satin si Jesus para tubusin tayo sa mga kasalanang yun. Lahat ng sakit, physical man o emotional naranasan na ni Jesus para sa atin. Ang bawat hagupit, saksak at latay sa Kanyang katawan ay may kahulugan. Lahat kasalanan natin inako na nya at ang hinihiling lang nya ay tanggapin natin Sya bilang ating tagapagligtas and worship Him with all our heart and mind. Magsisi na tayo at bumalik sa Lord. Hahayaan ba natin mapawalang saysay ang sakripisyo ni Jesus? Kung tingin mo makasalanan ka at hindi kana karapat dapat lumapit sa Lord nagkakamali ka. Nandito Sya para sayo. Hindi mahalaga kung ilan beses ka lumayo sa Kanya dahil ang mahalaga ay bumalik ka.

---*

Be Brave

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo. Huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Diyos; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Isaiah 41:10

Walang kahit anumang pagsubok ang makakapagpahina sayo hannggat kasama mo si Jesus. Kaya bakit ka matatakot? Bakit may lugar ang stress, kalungkutan at pag alala sa puso mo? Kapag pinapapasok mo sya sa buhay mo at inialay mo sa Kanya ang buong tiwala mo at pagsamba. Wala kang hindi malalampasan. Mahal ka ng Diyos. Kung ang Diyos ay may 1000 tupa handa nyang iwanan ang 999 makita lang ang isa. At tayo ang isang yun ganun kalaki ang pagmamahal ng Lord. Tayo lang ang iniintay Nya. Kung anuman ang pinagdadaanan mo, be still because the Lord will give you strength and you will never fight alone.

---*

POWER IN WEAKNESS

The Lord says, "Ang tulong ko sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong mahahayag ang ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina" Kaya buong galak kong ipagmamapuri ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Cristo.

II CORINTHIANS 12-9

You're brokenness, you're failure, you're weakness. God wants it all. Kasi lumalapit tayo sa Kanya kapag mahina tayo. But He wants to tell you, hindi ka makakahanap ng kaginhawaan, peace of mind at pahinga kundi sa Kanya lang. Pwede kang magkasala, pwede ka mawasak ng mundo, pwede ka mabigo at pwede ka lumayo sa Kanya pero isa lang ang sure. Hinihintay Nya ang oras na maiisip mo na Sya lang ang kailangan mo. Pinaka importante ang pagbabalik loob mo sa Kanya. Kay Lord lang matatagpuan ang kapanatagan. Magpahinga ka muna. Pero ngayon sa piling na ng Lord. He is giving us multiple and unlimited chances to do better and live our life the best everytime He's waking us up. Walang masamang magkamali at mabigo pero bumangon ka. And do it with Him this time.

--*

Blessings through Raindrops

Ihanda nyo ang daan ng Panginoon, gawin ang Kanyang landas na tuwid. Ang bawat lambak ay mapupuno, at bawa't bundok at burol ay maibababa: at ang liko liko ay magagawang tuwid, at ang baku-bakong daan ay magagawang patag. At ang lahat ng laman ay makikita ang Kaligtasan ng Diyos.

LUKE 3:4-6

Sinasalanta man tayo ng pagsubok na bagyo. Wag tayong mag alala dahil pagkatapos ng lahat ng ito, manalig lang tayo sa Lord ay makakasumpong tayo ng kaligtasan. Piliin padin natin magpuri sa Diyos sa kabila ng delubyo at humingi ng awa at kaligtasan sa Lord. Pagkatapos ng dilim ay liwanag, ang baku-bako ay magiging patag, ang liko ay matutuwid, ang takot ay magiging pag asa. Dahil paparating na ang Lord na tangi nating kaligtasan.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now