Sharing 17

324 7 0
                                    

His Love
Ang aking mga tupa ay nakikinig sa tinig ko, at nakikilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin. At ako ay nagbibigay sa kanila ng walang hanggang buhay; at sila ay hindi kailanman mapapahamak, ni maagaw sila ng sinumang tao mula sa aking kamay. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila kaysa salahat; at walang taong makakayanang agawin sila mula sa kamay ng aking Ama. Ako at ang aking Ama ay iisa.

John 10: 27-30

Wala nang mas hihigit pa sa katotohanang tayo lahat ay Anak ng Diyos kung tatanggapin lang natin sya. Walang ibang makakapag ingat sayo kundi ang Lord. Wala nang ibang may pinakapakialam sayo kundi ang Lord. Wala nang ibang magmamahal sayo ng wagas kundi ang Lord. Ang Lord lang. Wala nang iba pa.

---*

GENEROUS HEART

Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap tikom ang mga kamay. Ang taong matulungin sasagana ang pamumuhay at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Mga Kawikaan 11: 24-25

Huwag mong angkinin ang lahat ng bagay na meron ka na iyo lamang. Dahil walang sayo, lahat yan ay pinahiram lang sayo ng Lord kaya matuto tayong magbigay sa kapwa natin na nangangailangan. Kung may kakayanan naman tayo bakit hindi? Dahil may mga pagkakataon na akala natin simpleng bagay lang, pero sobrang laki pala sa tinulungan natin. Hindi ka mabubuhay sa mundo na ikaw lang mag isa. Kakailanganin mo talaga ng tulong. At hindi ka matutulungan kung ikaw mismo hindi mo ginagawa.

---*

TRUST

Ang ginagawa ko'y hindi mo naiintidihan ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.

JOHN 13:7

Madalas akala natin pinabayaan na tayo ng Lord kasi puro paghihirap ay disappointments na lang palagi ang nararanasan natin. Pero paulit ulit na sinasabi satin ng Lord na magtiwala lang tayo sa Kanya dahil planado na ang buhay natin bago pa man tayo ipanganak at may nakalaan ang Lord para sayo. Kilala nya tayo by name at hindi sya nagkakamali. Kung hindi man natin sya maunawaan ngayon, maiintidihan natin sa tamang panahon kung bakit ang bagay ay pwede at hindi pwede.

---*

He's our Rainbow

Ipapakita ko sa kanya kung gaano karaming nga bagay ang dapat nyang pagtiisan alang alang sa aking pangalan. 

Gawa 9:16

Hindi ibig sabihin na madami kang pagsubok na pinagdadaanan ay iniwan kana ng Lord. Hindi sa Kanya galing ang lahat ng iyonpero pinahihintulutan nya para sa ating katatagan. Si Saulo ay isang masamang taong pumapatay ng mga Kristyano pero nabulag sya ng tatlong araw ngunit muling ibinalik ng Lord. Pwedeng nasa panahon tayo mg tatlong araw na yun,  madilim at parang wala na pag asa. Pero nang nakakita ulit sya nagpuri sya sa Lord at ipinahayag ang pangalan ng Lord sa mga bayan. Yun ang dalat magandang ehemplo na dalat nating tularan. Pagkatapos ng pagsubok, ang Lord padin ang meron tayo.  Si Lord padin ang nandyan. Ngayon, kahapon at magpakailanman.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now