Lecture 24

1.2K 33 1
                                    

Sunday Lecture

Title: Time is Gold

Philippians 3:13

"Mga kapatid, hindi ko pinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay lang ang ginagawa ko, nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan."

Tatlong panahon sa buhay ng tao:

1. The past is history learn from it but leave it

1 Peter 4:3

"Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga di kumikilala sa Diyos; kahalayan, masamang pita ng laman, paglalasing, walang taros na pagsasaya sa mga diyus-diyosan."

• Ano bang pangit na nangyari sayo? Na naging isang aral sayo?

• Hindi mo kailangang bumili ng pag ibig o palimos ng pag ibig, magiging kandidato ka lang para abusuhin.

• Ang nakaraan ay kasaysayan na lang.

• Iwanan mo na, magmove on ka na.

• Kung hindi ka minahal ng sapat noon, hindi ka pa rin minahal ng sapat ngayon, what makes you think na mamahalin ka niya ng tapat bukas?

2. The present is a gift live for it

• Taglay ng kasalukuyan ang mga oportunidad, kaya ang binigay sayo ngayon, opportunity mo yan, samantalahin mo yan.

• Huwag natin sayangin ang kasalukuyan kasi ito yung pagtatanim ng mga mabubuting bagay.

2 Timothy 2:15

"Pagsikapin mong maging karapat dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan."

3. The future is coming prepare for it

• The future is uncertain, di mo alam ang kahahakbangan bukas.

• Dapat mas maging handa ka.

Psalm 37:37-38

"Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan, mapayapang tao'y patuloy ang angkan. Ngunit wawasaking lubos ang masama, lahi'y lilipulin sa balat ng lupa."

Ano ang dapat nating gawin para sa ating bukas?

• Itiwala natin sa Diyos ang kasalukuyan at ang bukas. Kapag sa kamay ng Panginoon mo ipinagkatiwala ang ating bukas, nakakatiyak tayo sa isang mabuting kalagayan.

• Huwag nating iasa sa ating sariling karunungan ang ating mga pagpapasaya. We don't know what will happen tomorrow but we know who holds tomorrow.

Conclusion
Awit 42:11

"Bakit ako nalulungkot? Bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siya aking inaasahan. Magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan."

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now