Lecture 8

2.4K 46 2
                                    

Sunday Lecture
Title: Depend on God

Question: Saang aspeto tayo dumedepende sa Lord?

5 ways to depend God

1. Depend on God's wisdom not yours

- Wag nating pairalin na tayo ay matalino. Oo binigyan tayo ng knowledge ng Lord pero hindi yun pang habambuhay.

- Tayo ay biniyayaan ng talino ng Lord.

Proverbs 9:10

"Pagkatakot kay Yahweh ay simula ng kaalaman,
Ang pagkakilala sa kanya'y may dulot na karunungan"

- Kanino magmumula ang knowledge na yun? Kay JESUS CHRIST.

- Nakukuntento na tayo sa anong abot ng ating isipan.

Proverbs 9:7-8

"Ang pumupuna sa manlilibak ay nag-aani ng pagdusta, Ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta"

- Punahin mo ang manlilibak at magagalit pa sa iyo, Ngunit sa iyo ay lalapit ang matalinong payuhan mo.

- Minsan natatakot tayo sa katotohanan.

- Ang mga Kristiyanong matatag ay handang bumasag kahit anong mangyari.

- Naniniwala ba kayo na "God will give you wisdom sa mga pusong handang tumanggap."

- Kung hindi pala tayo nagbabasa ng bible everyday, tayo ay dumedepende sa ating kaalaman at hindi sa Panginoon. Kung naghahangad ka ng karunungan, magbasa ka ng bible.

- Jesus is the source of everything.

2. Depend on God's strength not yours

- Minsan dumedepende lang tayo sa ating kalakasan.

- Minsan akala mo kaya mo yun pala, hindi. Minsan ang mga Kristiyano nape-pressure kasi gusto nating maabot yung mga bagay na gusto nating maachieve.

- Ang kalakasan mo ay limitado lang pero kung sa Lord ka dumpende ng lakas, it is limitless.

Deuteronomy 31:6

Magpakatapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila pagkat sasamahan kayo ni Yahweh. Hindi niya kayo pababayaan.

- Huwag mong ipakita na mahina ka dahil may Diyos kang pinananaligan. Ipakita mo sa kanila na anak ka ng Lord dahil kahit kailan hindi ka iiwan ng Diyos. Hindi ka iiwan ni Yahweh!

3. Depend on God's timing not yours

- Naghahangad ka ng pamilya, pagmamahal, may kapanuhan yan.

- God's timing is always perfect. Never early, never late. It takes a lot of patience and it takes a lot of faith but trust me when I say, its always worth the wait.

- Dapat may kabuluhan kang ginagawa habang naghihintay.

4. Depend on God's defense not yours

- Minsan dumedepende tayo sa proteksyon na ginagawa ng tao. Wag tayong dumepende dahil limitado lang yan. Pag sa Lord, FOREVER!

- I was pushed back and about to fall, but the Lord helped me. The LORD is my strength and my defense; he has become my salvation.

- Maging God pleaser tayo not Man pleaser.

5. Depend on God's security not yours

- With God, all things are possible.

- Hindi natin alam pinoprotektahan pala tayo ng Lord

Psalm 91:4

He will cover you with his feathers, and under his wings you will find refuge; his faithfulness will be your shield and rampart.

Question: Where are you looking at your security?

- Wag tayong tumingin sa seguridad na binibigay ng tao dahil ito ay may hangganan.

Conclusion:

Naniniwala ka ba na may isang Diyos na magkakalinga sa atin? If yes, then TRUST!

Awit 146:5-7

Mapalad ang tao na ang kanyang Diyos
Na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob
Sa Diyos na si Yahweh umaasang lubos
Sa diyos na lumikha niyong kalangitan
Ng lupa at dagat at lahat ng bagay
Ang kanyang pangako ay maasahan
Panig sa naapi, kung siya'y humatol
May pagkaing handa sa nangagugutom.

God's Word and LectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon