Lecture 9

2.1K 51 3
                                    

Sunday Lecture

Title: Tatlong Bagay na Ipinipintig ng Puso ng Diyos
Quote: "You can never invent a plan for your life that is better than "GOD'S PLAN" for you.. because he is really good."

Ezekiel 11:19-20

"At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman; 20Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios."


1. Para mahalin ka at magmahal ng iba

• Mas mahal ka ng Diyos higit pa sa kakayahan mong mahalin ang sarili mo.

• Ang mga taong hindi nagmamahal, sila yung lugi kaya dapat magmahal tayo.

• Kung ang Diyos ay mapagmahal at ginagawa ang lahat para mahalin ang tao. May pananagutan din tayong maging mapagmahal sa isa't isa

• True love is not something you FALL IN, but GROW IN.

Bakit ang tao'y hindi marunong magmahal?

Matthew 7:1

"Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan."

1. Puno ng hatol ang puso ng tao
2. Hindi nakikita ang karumihan ng kanyang sarili.

Matthew 7:3

"Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? Ngunit hindi mo tinitingnan ang troso na nasa iyong mata."

2. Para pasayahin ka sa buhay

• Ang pagsimangot ay nakakasira ng araw

• Nilikha tayo para maging masaya at karapatan nating tumawa

Bakit pag ngiti natin sa kapwa ay hindi natin magawa pero ang manimangot kayang kaya natin?

Sino ang mga taong masaya?

• Peace is not the outside world, but the sanctuary inside you. The place inside your heart.

Kahit may nangyayaring gulo sa buhay mo, kapag ang puso mo ay nasa tama ang pintig ikaw ay may kapayapaan.

3. Para buhayin kang may kasaganaan

Amos 5:4

"The Lord says to the people of Israel, "Come to me, and you will live."

• Ang taong may maayos na pamumuhay ay yung taong marunong makuntento kung anong meron sya. Hindi laki o dami kundi kung paano mo i-appreciate ito.

• Ang taong mataas masyado ang tingin sa sarili ay hindi nauubusan ng tampo sa kapwa.

• Wag tayong papakain sa kadiliman. Ano yung kadiliman? Kasalanan!

• Ang mabuting ginawa ng tao ay basahan lang sa harap ng Diyos.

• Lahat ng tao ay nakarinig ng salita ng Diyos may mga taong tumanggap pero may mga taong umayaw.

• Hindi natin pdeng sabihin na I have nothing, isa yun sa kasinungalingan na sinabi ni Satan para tayo ay masira.

• Kapag lumayo ka sa Diyos, patay ka! Ang taong lumalayo sa Lord hindi sumasaya.

Conclusion

Kung ang tao hindi nakaka-recognize ng mga ginawa mong mabuti, ang langit ay hindi kailanman makakalimot!

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now