Sharing 14

310 8 0
                                    

Contentment

"Mag ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan. "

LUKE 12:15

May isang mayamang sagana sa lahat ani. Pinagiba nya ang kanyang maliit na kamalig upang magpagawa ng bago dahil hindi na magkasya ang lahat ng ari-arian nya. Wala syang inaatupag kundi ang magpayaman. Nag ipon sya ng madami upang sumapat sa habang buhay at wala na syang gagawin kundi mag inom, magsaya at kumain. Ngunit sinabi ng Diyos, "Ngayong gabi ay babawian ka ng buhay! Saan mapupunta ang lahat ng pag aari mo? (17-20 )

Ganyan ang mangyayari sa mga taong nag iimpok para sa sariling kapakanan . Hindi natin kailangan ang lahat ng pag aari sa mundong ito. Ibibigay ng Lord ang lahat pangangailangan natin sa araw araw. Kung ibon nga at mga damo ay hindi pinababayaan ng Lord tayo pa kaya? Mas higit tayong mahalaga kesa sa mga yon. Huwag tayong mabagabag sa bukas dahil He will provide. Anong silbi ng lahat ng kayamanan mong nasisira at nananakaw dito sa lupa kung hindi mo naman makakasama ang Lord? Wala.

---*

Sinasabi ko sa inyo magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

LUKE 15-7

Gaano tayo kamahal ng Diyos? Higit higit at umaapaw. Hindi mahalaga sa Kanya kung anuman ang maling ginawa at mga pagkakasala natin ngunit ang masmahalaga ay ang pagbabalik natin. Gaano katagal pa maghihintay satin ang Lord. Uwi na tayo kapatid.

---*

BE STILL
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan.

I PETER 2:21

Pagod kana ba? Parang hindi na kaya? Mahirap ang trabaho, antagal ng promotion, andaming gawainsa school at sabay sabay pa mga exams, may financial problem, family problem, nawawala na yung interes mo sa passion mo dati? Kahit ano pa yan. Pakiramdam mo mas madami pa ang paghihirap at problema kesa sa mga araw na masaya ka? Ituring mo blessing yan kasi ang ibig sabihin may itinuturo sayo ang Lord. Kailangan natin makaranas ng ganyan para maging malakas tayo. May pangako ang Lord sayo na hindi ka Nya iiwan basta lagi mo lang syang isama sa mga lahat ng gagawin mo. Embrace challenges. Ang lahat ng paghihirap mo wag ka lang sumuko ay magiging worth it sa huli. Ang hindi sumusuko ay nagwawagi.

--*

Ang pag-ibig ay mapagbata at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama. Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan. Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

1 Corinthians 13:4-8

Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon. Pagod o pahinga, saya o lungkot,  iyak o tawa, pagmamahal o pangungulila,  kasiguraduhan o pagdududa, sana ang tannging panghawakan natin ay ang pag ibig ng Lord. Matatapos ang lahat. May saya sa dulo. Laban lang. Walang sukuan, hanapin mo ang pag asa at pag ibig ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao sa paligid mo na nagmamahal at nag aalala sayo.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now