Sharing 9

308 9 0
                                    

"Ang nagpapakataas ay ibaba at ang nagpapakababa ay itataas "
MATTHEW 23:12

Wala tayong kahit anumang pwedeng ipagmalaki sa Lord. Without God, we are nothing. Matutunan sana natin magpakababa sa lahat ng oras. Kung feeling mo nadaya ka, kung feeling mo napaka unfair ng mundo, manatili kang nagpapakumbaba dahil ang Lord ang magbabalik sayo ng lahat daan at libong beses pa. Be humble. Kung anuman meron ka, hindi ikaw ang may gawa, si Lord ang maygawa ng lahat ng yun. Huwag mong iisipin na mas magaling ka sa kaninuman dahil walang ibang dakila at mas dadakila pa sa Lord at kay Cristo.

---*

Mapalad kayong mga dukha,  sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!
Mapalad kayong mga nagugutom ngayon sapagkat kayo'y bubusugin. 
Mapalad kayong mga tumatangis ngayon sapagkat kayo ay magagalak.
Mapalad kayo kung dahil sa Diyos kayo ay kinapopootan,  ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman.  Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyayari,  sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit - gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.
Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon,  sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawaan!  Kayo ay maghihirap. 
Sa aba nyong mga busog ngayon sapagkat sila ay nagugutom! 
Sa aba nyong nagsisitawa ngayon sapagkat kayo ay magdadalamhati.

LUKE 6:20-25

Malaya kang gawin ang gusto mo sa lupa ngayon pero tandaan mo din na hindi ka habang buhay sa lupa.  Isusulit mo sa Diyos ang lahat ng ginawa mo habang nabubuhay ka. Hindi ang kahit ano mang kayamanan,  popularity o pag aari ang isusulit mo kundi ang laman ng iyong puso.

---*

Feed Your Spirit

Gaya ng sanggol kayo ay manabik sa gatas na ispirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan. 

I Peter 2:2

Bakit ka malungkot kahit wala naman dahilan?  Mapapatulala ka nalang kasi may nararamdaman kang lumbay o depression.  Yan ay dahil gutom ka spiritually.  Hindi mo mahahanap sa tao ang comfort dahil nasa Lord lang yon, sa salita Nya.  Feed your mind,  heart and soul with His word and you will find peace.  Hilingin natin sa Lord na bigyan tayo ng desire and willingness na magkaroon ng relationship sa Kanya.  Attend ka ng mga cell /supportgroup, magbasa ng Bible at mag worship.  Kung malalaman mo lang kung gaano ka kablessed at kung anong satisfaction ang mararamdaman mo pag nalaman ang kabutihan ng Lord sa buhay mo.  Feeding on God's word keeps us strong and healthy in the Lord.

--*

Sinabi nya sa kanila, "Bumalik kay Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi,  muling nabuhay ang mga patay at ipinangangaral ang dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang mga taong hindi nag aalinlangan sa akin."

LUKE 7: 22-23

Wala nang ibang pwedeng gawin pa ang Lord para hindi pa tayo manalig sa Kanya.  Kung ano man ang sitwasyon mo ngayon ay kayang kayang baguhin at ayusin ng Lord. Kung nasaan ka man ngayon,  anumang narating mo o anumang estado ng buhay mongayon lahat yan ay kaloob ng Lord. Kung masaya ka, binigyan ka ng Lord ng blessing, magpasalamat ka. Kung malungkot ka, ipagpasalamat mo parin sa Lord ang nararamdaman mo dahil ang lahat ng magandang bagay ay dumaan sa proseso. Huwag ka lang mag alinlangan,  may isasaya kapa. Ang lungkot ay matatapos din. Palaging tandaan, hindi mabubuo ang kastilyo ng isang araw lang.  It needs time, so are you.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now