Lecture 22

1.3K 25 0
                                    

Sunday Lecture

Title: Finding Strength in God

Habakuk 3:19

"Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan."

1. Hindi dahilan ang kawalan ng kabuhayan upang manghina

• Ang isang taong ang lakas ay sa Diyos nagmumula, makakaya niyang tanggapin ang positibo at negatibong bagay na nangyayari sa kanyang buhay.

• Isinilang tayong kulang para punuan ng Diyos.

2 Corinthians 12:9

"Ang tulong ko'y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina." Kaya't buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Cristo.

2. Manatiling tapat sa Diyos kahit na tila hindi dinidinig ang iyong panalangin

1 Thessalonians 5:17

"Pray without ceasing."

• May mga pagpapala tayo na dapat hinugin muna sa panalangin.

• Your prayer life will determine your spiritual life.

3. Hanapin ang kalakasan sa Diyos sa halip na ubusin ang panahon sa kaiisip sa nawala

• May mga taong hindi makamove on dahil sa mga bagay o sa taong nawala. Ang resulta nauubos ang panahon sa kaiisip sa nawala.

• Si Lord ang magbibigay ng kulay sa iyong mundo.

Matthew 24:35

"Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko'y hindi magkakabula."

• Gusto ng Diyos na number one sya sa buhay mo dahil gusto ka niyang alagaan.

Conclusion

God does not wish you harm but if you get out of God's grace then, bahala ka sa buhay mo. Hindi nya ipagdadamot na ibigay satin ang kalakasan nya, tuklasin mo lang.

God's Word and LectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon