Sharing 3

1.2K 35 0
                                    

Magkaroon tayo ng lakas, tapang at malasakit.

Lakas na makaya natin maishare sa lahat na si JESUS CHRIST lang ang makakapagligtas sa ating lahat.

Magkaroon tayo ng tapang na ipakilala ang Diyos sa lahat ng mga tao. Tawanan man tayo, laitin, kutyain o ireject, ang mahalaga kapatid ay may ginawa ka para sa Diyos at sa mga taong gusto mo ding maabot ang biyayang nararanasan mo sa Diyos.

Malasakit dahil mahal mo sila at gusto mo, hindi lang ikaw ang masaya. Gusto mo na makakilala sila sa Diyos mabuti man sila o masama dahil taglay mo yung pag-ibig at pagmamahal ng Lord sa lahat ng tao.

Sa mata ng Lord, pantay pantay lang tayo.

---*

Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan ng Diyos.  Huwag kayong magparusa at hindi kayo paparusahan ng Diyos.  Magpatawad kayo sa inyong kapwa at papatawadin din kayo ng Diyos.  Magbigay kayo at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal,  siksik,  liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit nyo sa inyong kapwa ay sya ring gagamitin sa inyo ng Diyos.

LUKE 6:37-38

Sa twing may nangangailangan maging mapagbigay tayo kung meronnaman kakayahan.  Tumulong tayo sa iba.  Isipin mong wala ka din kung hindi ka binibigyan ng Lord.  Lahat ng meron ka ay di lang para sayo. Gamitin mo ito bilang biyaya para sa iba.  Hilingin natinsa Lord na bigyan tayo ng pusong hindi madamot, mapagbigay,  mapagpatawad at maintindihin. Dahil sa dulo,  aanihin mo abg lahat ng tinanim mo. Ang lahat ng binigay mo ay tutumbasan ng Lord, gantimpala sa mabuti at kaparausahan naman sa masama.

---*

Security                                                               

"You are fearfully and wonderfully made."

Psalm 139:14

We are living in this society na sobrang taas ng standard para masabing maganda ka. Dapat 24 ang waistline, dapat makinis,  kutis porselana... lahat dapat perpekto.  But God says, maganda ka o gwapo ka just how you are created. Lahat tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos. Kahit makapal ang kilay mo maganda ka, kahit mataba ka maganda ka, kahit di ka kaputian maganda/gwapo ka. Dahil ang ganda ng isang tao hindi nakapende sa mata ng ibang tao kundi sayo mismo. Sa puso masusukat ang tunay na kagandahan sa kilos at pag iisip. Kaya wag kang ma-insecure. Dahil siguradong may tao na magmamahal sayo at tatanggapin ka just the way you are. At hindi mawawala ang Lord do'n.

--*

Kapag ikaw ay inanyanyahan ng sinumang tao sa isabg kasalan, ay huwag kang uupo sa pinakapunong lugar dahil baka isang higit na marangal na tao ang kaysa sa iyo ang inanyanyahan sa upuang iyon. At sya na nag anyaya sa iyo ang biglang lalapit at sasabihing "Bigyan abg taong ito ng lugar,  at ikaw ay mahihiya at kukuhanin na ang pinakamababang upuan. Datapwat kapag ikaw ay inanyanyahan, pumaroon at umupo sa pinakamababang lugar upang kapag ang nag anyaya sa iyo ay lumapit ay sasabihin nya sa iyo. Kaibigan doon ka sa higit na mataas na upuan ikaw ay magkakaroon ng kaluwalhatian sa harap nila na nakaupo at kumakaing kasama mo.  Sapagkat ang nagtataas ng kanyang sarili ay maibababa at sya na nagpapakumbaba ay itataas.

Luke 14: 8-11

Wag nating isipin na tayo ay higit na mataas kesa kanino man. Huwag nating ilagay sa ulo anglahat ng achievement  o lahat ng meron tayo dahil lahat ng tao ay pantay pantay. Lahat ng tao ay pwedeng marating ang narating natin. Magpakumbaba tayo sa lahat ng oras. Sa ganung paraan, itataas tayo ng Lord. Kung nagmamataas naman tayo, tayo ay ibababa.

God's Word and LectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon