Lecture 16

1.5K 31 0
                                    

Sunday Lecture

Title: Magsaya ka, bakit nga hindi?

• Hindi pinagbabawal ng Diyos na maging masaya ka, walang taong pwedeng pigilang maging masaya ang isang tao.

• Happy is the one who learn to waits for God is the best time.

Psalm 37:4

"Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan. At ang pangarap mo'y iyong makakamtan."

• Sabi nga ng Lord, ako ang source ng blessings na gusto mong makamtan kaya ang Lord lagi tayong gustong maging masaya.

1. Dapat maging close ka kay Lord.

Lamentation 3:25

"Si Yahweh ay mabuti sa mga nagtitiwala sa kanya."

Lamentation 3:32

"Ngunit bagaman siya ay nagpaparusa, hindi nawawala ang kanyang pag-ibig."

Kawikaan 30:9

"Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matuto akong magnakaw at sa gayo'y malapastangan kita."

2. Maging mababaw ka

• Ang mga taong walang kakayahang lumaban sila yung palaging umaasa sa pangako ng Diyos.

Psalm 147:6

"Yaong mapagpakumbaba'y siya niyang mataas. Ngunit yaong mapaghambog sa lupa ay ibabagsak."

Sofinias 3:19

"Tingnan mo, sa panahong iyon ay paharapin ko ang mga umapi sa iyo. Pagagalingin ko ang mga lumpo at titipunin ang mga itinakwil, at ang kanilang mga kahihiyan ay palitan ko ng karangalan at katanyagan sa buong sanlibutan."

3. Magdesisyon ka na maging masaya

• Magagawa mo lang maging masaya kung marunong kang mag-appreciate sa maliit na bagay.

Kawikaan 17:1

"Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan."

• Kung gusto mong maging masaya, mahalin mo ang sarili. Kasi kung hindi ka marunong magmahal ng sarili mo, hindi mo kayang magmahal ng kapwa mo.

Mga bagay na ikadidisappoint mo:

a. Hanapin mo sa materyal na bagay

• No one can be secure if he is only standing on the foundation of material wealth or physical health because the things can be taken away in a flash.

b. Hanapin mo sa tao

• Sa isang pagkakamali lang ng tao, madami ang guguho kaya wag kang magtitiwala kung gusto mong madisappoint.

c. Lumayo ka sa pagkatawag ng Diyos

• Unang mawawala ay iyong potential.

• Yung mga taong lumalayo sa Diyos, sila yung nakangiti sa panlabas pero ang dami nilang problema.

• Mawawala satin yung satisfaction na binibigay ng Lord.

d. Isipin mong kaya mong lahat

• Sa pagdami ng iyong alam, posibilidad na marami ka ring pagkakamaling magagawa.

• Kasi kapag inisip mong kaya mong lahat, malulungkot ka.

• Hindi ka si superman para isagawa ang lahat ng mga bagay.

Conclusion:

Sa Diyos mo lang matatagpuan ang kaligayahan sapagkat ang Lord ay hindi marunong mang-iwan.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now