Sharing 16

318 9 0
                                    

Right time

When the time is right, the Lord will make it happen. 

Isaiah 60:22

Pagod kana ba maghintay? Feeling mo hindi naman naririnig ng Lord ang panalangin mo? Ang tagal dumating ng love life mo? Ang promotion mo? Yung mga hinihiling ng puso mo parang wala naman nangyayari. Kapit lang. Dahil palaging may sagot ang Lord sa mga panalangin mo. Yes, kung para sayo talaga. No, kung hindi dahil may mas magandang nakalaan para sayo at not yet, na ibig sabihin hindi pa ito ang tamang panahon. Keep the faith. Iba ang orasan mo sa orasan ng Lord. Wait, patiently.

---*

You are worthy

Kung iingatan nyo ang alaala kung ano ang ipinangaral ko sa inyo, malibang kayo ay nananampalataya ng walang kabuluhan. 

I Corinthians 15:1-2

Kapag tama ang pananampalataya mo hindi ka apektado. Dapat hindi ka mabilis maapektuhan ng sinasabi ng ibang tao sayo. Kung sinasabi nang mundo at ng mga tao na hindi ka maganda kasi maitim ka,  mataba ka o payat, madami kang pimples, pango ilong mo, wala kang kilay.  Sabi pa nila hanggang dyan kana lang, wala kang mararating, hindi ka makakapasa, hindi kamahal mahal, wala kang kwenta. Name it. Pero sabi ng Lord, worth it ka, maganda ka, karapat dapat mahalin, hindi ka dapat sinasaktan ng kung sino sino lang. Sabi ng Lord may plano sya sayo na magtatagumpay ka, na you are born to be great, prinsesa ka, anak ka Nya. Sa pagitan ng sinasabi ng mundo at nang Lord kanino ka makikinig? The choice is yours.

---*

Light

Ako ang liwanag ng sanlibutan,  sya na sumusunod sakin ay hindi lalakad sa kadiliman,  kundi magkakaroon ng liwanag g buhay.

JOHN 8:12

Nakakalungkot kapag may nakikita ako na down na down at broken. Mga depressed at dumadanas ng anxiety and such. Kung alam lang natin kung gaano tayo ka blessed. Ang lahat ng nararamdaman mong sakit ngayon ay binayadan na ni Jesus sa krus. Nagpakahirap sya akuin lahat ng sakit para hindi na natin maranasan yon.  Piliin sana natin mabuhay sa liwanag at hindi sa kadiliman. Bakit ba tayo nalulungkot? Kung alam mong nasa tabi mo lang ang Lord kulang paba yon para maging masaya ka?  Sapat na yun at higit pa. Salo ka Nya. Wag sanang manaig ang ang mga insecurities,  anger, envious at discontented natin. Piliin natin lagi maging masaya at positive dahil yun ang panagarap ng Lord para sa atin.  Palayain mo lahat ng nagpapahirap sa puso mo. Isuko mo lang kay Lord at magiging magaan lahat.

---*

Courage

Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Diyos ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya. 

Deuteronomy 31:6

Hindi ka nag iisa sa lahat ng laban at pagsubok. Isama natin ang Lord sa lahat ng oras. Palaging may nakikinig sayo, sa mga rants mo sa buhay. Palaging may nag alala sayo kapag nawawalan kana ng pag asa. Palaging may handang umalalay sayo kapag hindi mo na kayang maglakad mag isa. Huwag kanang malungkot, huwag kang mabahala. Find joy, security and peace in His arms.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now