Sharing 8

339 5 0
                                    

"Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan? Sumagot si Jesus, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag iisip." Ito ang pinakamahalagang utos.

MATTHEW 22:35-38

Gaano natin kamahal ang Lord? Gaano karami o gaano kakakaunti ang oras na laan sa loob ng isang araw para sa Lord? Nakakalungkot isipin na ngayon mas enjoy pa tayo manood ng mga movie o dramas kahit walang tulugan magdamag kesa magbasa ng Bible. Mas gising na gising pa tayo sa mga inuman o kasiyahan tapos inaantok sa misa o preaching. Ang mga word of God na wala pang 5 minutes basahin inip na inip na pero nakakatagal magbasa ng isang buong libro. Mas pinakikinggan pa natin ang mga kantang may malalaswang kahulugan kesa sa mga worship songs. Naaalala lang natin sya kapag may problema o malungkot tayo. Mas mahal natin ang pera at makamundong saya. Gaano kaimportante sayo ang Lord? Ikaw lang ang makakasagot. Pero sana sa lahat ng oras naaalala natin ang Lord. Dahil never nya tayong sinukuan. Kahit tayo mismo sumuko na sa sarili natin.

---*

He will provide.

Nang minsang nangangaral si Jesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. May nakita syang dalawang bangka na nakalunsad na sa baybayin at nililinis na ng may ari ang lambat. Pagkatapos Nyang mangaral ay sinabi Nya kay Simon. "Pumalaot kayo kayo at ihulog ang lambat para makahuli. " Sumagot si Simon. "Guro, magdamag na po kaming nagpagod at wala kaming mahuli! Ngunit dahil sinabi Niyo ay ihuhulog ko ang lambat. " Gayon ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay nagkakansisira na ang kanilang lambat at halos lumubog ang bangka"

LUKE 5:1-7

Ganito palagi ang buhay natin. Minsan kahit anong pagsisikap natin parang wala naman nangyayari. Hindi padin natin makuha ang gusto natin. Pero kagaya ng nasa kwento minsan din ang kulang lang satin ay magtiwala. Magtiwala na hindi Nya tayo pababayaan. Sarili natin ang sinusunod natin at hindi ang sa Lord. Hindi kaba nagtataka kung bakit kahit gaano kahirap ang buhay kumakain padin tayo, nakakapagdamit ng maayos, may tinutulugan, nakakapasok padin sa trabaho o sa school? Buhay padin tayo. Kayang kaya tayong bigyan ng Lord ng kahit ano, biyayang hindi mabilang, siksik, liglig at umaapaw. Sa ngayon, kaya hindi tayo ginagawang perpekto kasi pag masyado tayong masaya nakakalimutan na natin Sya. Take this time para mag thank you sa Kanya at ibigay lahat ng tiwala natin sa Kanya.

---*

Guard Your Heart

Sa kaibuturan ng aking puso , ako ay nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit nararamdaman kong may ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan at ito ay salungat sa tuntunin ng aking isip. Dahil dito , ako ay naaalipin ng kasalanang nananahan sa mga bahagi ng aking katawan. Kahabag habag ang kalagayan ko sino ang magliligtas sa akjn sa katawang ito na nagdudulot sa akin ng kamatayan? Ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus na ating Panginoon.

ROMANS 7:22-25

Naniniwala ako na gusto natin lahat palagi gumawa ng tama. Pero minsan sa sitwasyon natin di natin alam kung ano ang tama. Kaya itinuro ng Lord ang tamang batayan kung tama ba ang desisyon o hindi. Una, feed your mind with Christ and His words. Ang Bible ang talaan ng mga Kautusan na kailangan natin sundin. Ang desisyon mo ay nagsisimula sa isip kaya kung ang Lord ang nasa isip mo hindi ka gagawa ng alam mong mali. Pangalawa, Guard your heart. Huwag paganahin ang emotion at feelings dahil ginagamit yan ng Satan para malihis ka Lord. Hindi lahat ng nararamdaman mo ay tama, dapat pinag isipan. So paano malalaman kung mali ang desisyon o tama? Kapag pinuno mo ng Lord ang isip mo dapat hindi magtatalo ang isip at katawan. Lahat ng sumasalungat sa kautusan ng Diyos at sumasangayon sa emotion mo siguradong mali. Sabay ang isip at katawan kapag nagtatalo ito ibig sabihin may mali. A genuine Christian desires to be free from sin, not to sin freely.

--*

Datapwa't habang sila ay naglalayag ay nakatulo si Jesus at may bumugso na isang bagyo sa ng hangin sa lawa; at sila ay napuno ng tubig at nasa panganib. Sila ay lumapit sa Kanya at ginising Sya na nagsasabing, "Guro, tayo ay mapapahamak." Sa gayon Sya ay bumangon, sinaway ang hangit at nagngangalit na tubig at ang mga ito ay tumigil at nagkaroon ng katahimikan. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Nasaan ang inyong pananamplataya? "At sila sa pagkatakot ay nagtaka na sinasabing, Ano bang uri ang lalaking ito! Sapagkat nauutusan Nya pati ang hangin at tubig at mga ito ay sumusunod sa Kanya.

LUKE 8: 23-25

Madalas na nangyayari sa atin ito, yung panatag tayo sa piling ng Lord pero kapag dumating ang panahon na dumadaan tayo sa pagsubok natatalo tayo ng takot at pangamba. Kinukwestyon natin ang pagmamahal ng Lord satin at nagdududa tayo sa pangako Nya na hindi man tayo tumigil sa pagharap sa mga pagsubok ay hindi Nya naman tayo iiwan. Panghawakan natin ang pananampalataya natin sa Lord. Be still, he will never fail us.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now