Kabanata 33

158 7 0
                                    



Matapos ang usapan namin ni Kuya Rio ay umalis na siya, susunduin niya pa daw kasi ang mga anak para sa dinner mamaya at para na din makilala ko ang mga ito. Umalis din si Seis dahil may kailangan daw siyang gawin kaya sinama ako ni Primrose sa pamamalengke.

Napakaraming nagbago sa La Cresta, ang dating palengke na wala sa ayos at laging basa ay maayos na ngayon. Nasa tamang lugar na rin ang mga nagbebenta. Inuna namin ang mga kakailanganing gulay at iba pang rekados. Naaaliw ako sa pagtingin-tingin ng mga damit nang ayain niya ako na lumabas ng palengke. Tumawid kami at bumungad sa'min ang isang kulay puting establisyimento.


"Dito ako bumibili ng mga karne, maganda kasi ang kalidad dahil sila mismo ang nag-aalaga at nagkakatay." Pumasok kami ni Primrose sa loob. Hindi masangsang ang amoy at wala ring langaw. Medyo kakaunti ang nabili kaya nakapunta agad kami sa harap.


Hinayaan ko si Primrose na pumili ng karne, sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya dahil sa dami ng alam niya. Samantalang ako ay kahit ano lang ang binibili, madalas din kasi na sa labas kami kumakain ng mga katrabaho ko, o kami ni Eon. Madalang ako magluto sa apartment namin sa Amerika.


"Oh, Prim!" Sabi ng isang lalaki na nasa likod ng counter. He's wearing a black shirt, red apron and jeans. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "The usual?"

"No, Manuel. Para sa mga Belmonte." Natuon ulit ang pansin sa akin ng lalaki. Nagtaas siya ng kilay bago naghiwa ng mga karne sa harap namin.

"He looks so familiar." Wala sa muwang kong sabi.

"Really? Maybe you saw him before, he's kinda famous here in Santa Monica." Nangingiting sabi ni Primrose. Oo, baka nga nakita ko siya dati. "And oh, he's Seis' half-brother."

Ako naman ang napatingin ngayon sa lalaki. A memory from five years ago flashed into my mind, "Oo! Nakita ko nga siya dati dito din sa palengke."

"Here you go, Prim." Iniabot ni Manuel ang paper bag, naroon na lahat ang biniling karne. Nagpaalam siya sa lalaki at saka kami umalis doon.


Nilingon kong muli ang meat shop bago makalayo doon. Nagtext si Seis sa akin nang malapit na kami sa hacienda, aniya'y mali-late siya ng kaunti sa dinner. Nireplyan ko naman siya na ayos lang. My manager Tita Kyla sent me a message too about something. 


Tita Kyla: I can't find your Tita Hellen's number but I found her daughter's. 


Sa text message ay nakalagay ang number ni Hellene Belmonte o mas kilalang Hell. Agad akong nagtipa ng mensahe at isinend iyon. Alam kong hindi niya papaunlakan ang imbitasyon ko na magkita kaming dalawa ngunit hindi ko maiwasang umasa. Kung kailangang ako mismo ang pupunta sa sa kaniya ay gagawin ko. 

Bago tuluyang dumilim ay tumulong ako sa pag-aayos ng lamesa at mag upuan sa hardin. Napansin ko si Eon na tahimik na nakaupo sa 'di kalayuan. Nakatulala at alam mong malalim ang iniisip. Nagulat ako dahil may yumakap sa mga binti ko.


"Hi Tia Princess Anna!" Masayahing bati ng isang batang babae.

"Filo, she's not Princess Anna." Masungit na sabi ng batang lalaki.

"Yes she is! Look at her hair Basti, it's color white!" Tinuro niya ang buhok ko saka humiwalay sa akin, naupo ako upang maging kapantay nila.

"That's not white, it's blonde." Umiling si Basti at iniwan kami doon ni Filo.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon