Kabanata 28

146 7 0
                                    


Sa buong buwan na iyon ay sa amin natugon ang atensyon ng marami. Samahan pa na nag-comment si Tati sa live show niya na natutuwa siya para sa akin. I already told Saiya and Gary about my relationship with Seis at kung ano ang tanong ni Tita Kyla, ay ganoon din ang tanong nila sa akin. Bakit daw hindi ko pa sinasagot ito, masyado ko raw pinapatagal.

Sa sa isang buwan na iyon ay malaki ang naging progreso ng pagtatayo ng apartment at bahay ko. Marami ring pumapasok na projects sa akin na pinagiisipan ko pa kung tatanggapin ko.


"Bakit hindi mo subukan ang pagiging artista? Management na ni Tati ang kumukuha sa'yo." Tanong ni Saiya. Narito ako sa tea shop niya, nakatambay dahil wala akong magawa sa hotel. Kakagaling ko lang din sa apartment, kaunti na lang at okay na ito. Mas pinauna ko kasi ngayon ang paggawa nito kaysa sa bahay.

"Hindi ako sigurado kung kakayanin ko. Alam mo na ang showbiz!" Mahirap daw doon, lalo na't bugbugan ang taping. Hindi pa naman ako sanay na magpuyat.

"Eh si Seis ba kakayanin mo? Kailan mo ba siya balak na sagutin? Saka bakit hindi kayo magkasama?" Sunod-sunod na usisa ni Saiya habang may tinatype sa laptop niya.

"Wala pa sa isip ko, Saiya. Hindi naman kami nagmamadali. Nasa trabaho siya, kailangan daw siya doon dahil may problema." Sagot ko bago humigop sa tsaa na inorder.

"Hi Ms. Rence! Can we a take a picture po?" Sabi ng isang babae na na sa tingin ko ay high school pa lang.

"Sure," tumayo ako para makalapit sa grupo niya.


Tuwang-tuwa sila matapos ang picture taking, nagpa-autograph din sila na malugod kong pinaunlakan. May iba na ring nagpapicture at hindi naman ako tumanggi doon. 

Kahapon ay maiksing oras lang ang meron sa amin ni Seis. Kinailangan kasi niyang pumunta sa factory dahil may problema. Nalaman ko na ang negosyo pala niya ay paggawa ng mga dairy products. Meron na siyang factory sa iba't-ibang parte ng North Luzon.

Bumalik ako sa table namin ni Saiya matapos ang kaunting usap kasama ang mga nagpa-picture sa akin.


"Nga pala, Rence. Diba diary products ang negosyo ni Seis? Can you ask him kung magkano ang benta niya? I tasted their milk product and it's good. Gusto ko sana na siya na lang ang kukuhanan namin ng gatas." 

"Sige, kausapin ko siya tungkol diyan."


Kinahapunan ay umalis ako sa tea shop ni Saiya. Kailangan ko kasing mag-grocery. Wala nang laman ang refrigerator sa hotel room ko. Nagtext na rin ako kay Seis na papunta ako dito sa supermarket. Hindi siya nagreply kaya naman ipinagpatuloy ko na ang pagiikot.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng mabibili ay napadaan ako sa mga gamit. Gamit para sa bahay. Napangiti ako dahil naexcite ako sa pagbili ng mga gamit na ilalagay ko sa bahay.


"Wanna buy them?" Napalingon ako sa taong nagsalita. It was Tyrone.

"Ty..." He smiled.

"I'm sorry Rence." He paused and looked down. "Hindi ko alam kung bakit nagawa ko 'yon. Kaibigan kita pero hindi ko sinabi iyon sa'yo, naglihim ako. Pasensya na. Alam mo naman kung gaano ako katorpe pagdating sa'yo diba?"

"Ayos lang Tyrone, naiintindihan ko." Napatingin ako sa basket na dala niya. "Grocery din?"

"Yeah, inutusan ako ni Mom. You should visit them, they miss you." Tumango-tango ako. "I need to go. Bye, Rence. Take care."

TilaWhere stories live. Discover now