Kabanata 25

139 6 0
                                    







Dahil nakainom hindi na ako nahiya pa na sumabay sa mga pinsan kong nagsasayawan. Pumikit ako para mas lalong damhin ang sayang nadarama sa likod ng mga nangyari dati. I isolated myself from them, thinking that I shouldn't talk and hang out with them 'cause I know I don't belong. I crashed my high hopes of getting along with them when I found out the truth. I stepped aside the thought of having a new family because of being an illegitimate child.

I am glad I'm with them tonight, partying and enjoying each companies. I didn't think this would happen. Parang hinawakan ng mainit na kamay ang puso ko dahil sa pangalawang pagkakataon, natanggap nila ako.

Nakakaindak ang music na tumutugtog kaya naman patuloy pa rin ako sa pagsayaw. Naramdaman ko na may sumasayaw na rin sa likuran ko pero hindi ako huminto. Bagkus ay sinabayan ko siya sa kan'yang bawat galaw.





"I didn't know you can dance well..." Bulong sa akin ng nasa aking likuran. Nakadikit sa aking tainga nag kanyang bibig dahil ramdam ko ang kaniyang hininga.

I chuckled, "I'm a performer, it sucks if I don't know how to."





Napalitan ang music at tumugtog ang trending ngayon na music na mapapasayaw talaga ang kahit sino kapag ito'y napakinggan. Unti-unti kong naramdaman ang mga kamay niya sa aking baywang, para bang iginigiya niya ako sa isang sayaw na natutunan ko na noon pa.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Iginiling ko ang kanang baywang ko papunta sa kaliwa, ramdam ko ang pagsabay niya sa aking galaw. I smiled. Nagpatuloy kami sa ginagawa, mas lalo ko nga lang ibinaba ang pagkembot. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumayaw sa isang bar, marahil ay marami na nga akong nainom.





"Whooo!" Sigawan ng lahat.





Inilagay ko ang kamay ko sa batok ng lalaking nasa aking likuran at pababa akong gumiling. Naaalala ko noon, isa sa mga magandang alaala ko sa La Cresta, tinuruan ako ni Seis na sumayaw ng salsa. First time kong sumayaw noon at iyon ang ginagawa ko ngayon. Ginawa ko ang itinuro niya sa akin. Ang bawat sway ng baywang.





"Mas magaling ka na ngayon kaysa noon." Nang marinig ko iyon ay saktong humarap ako sa kaniya at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang leeg.

I stopped dancing when I saw his face. "S-Seis..."

"I missed you." Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at kung hindi lang nakapulupot ang mga kamay niya sa aking baywang ay natumba na ako sa dance floor. Hindi ako makapagsalita at para akong naputulan nang dila.





Hindi ako makagalaw, hindi ko din maialis sa kaniya ang aking mga titig. Ngayon ko lang siya natingnan ng malapitan. Mapupungay ang mga mata niya na may mahabang pilik-mata, ang kilay niya ay mas makapal pa sa akin. Ang ilong niyang matangos at ang kutis niya na aking nagustuhan sa lahat. Kayumanggi. Nawala ang tingin ko at naituon ito sa kanyang labi.





"You left me. Twice." May diin niyang sabi. Napaangat ako ng tingin sa kaniyang mga mata. "You left me twice, Rence."

Nangapa ako ng mga sasabihin ko, "W-What are you t-talking about?"

"Oh you know what I'm talking about." Hinigpitan niya ang pag-akap sa aking mga baywang kaya mas napalapit ako sa kaniya. Ang dalawang kamay ko ngayon ay nasa kaniyang dibdib.

"Hindi k-ko alam, S-Seis." Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya, "Makikita tayo ng g-girlfriend m-mo."

"What?" Naalala ko ang usapan noong dalawang babae sa restroom kanina. Naiisip na nilang magpakasal. I can't be the reason why they're gonna break up! Pilit kong inaalis ang kamay niya ngunit mas lalo niya lang akong kinukulong sa kanyang mga bisig.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon