Kabanata 17

136 8 1
                                    




"Magtetext naman si Tyrone kung makakapunta siya, baka nakatulog na." Malungkot akong tumango kay Gary.



Tyrone's a friend. It's saddens me because he chose to stay away after admitting his feelings for me. Ayokong mangyari iyon pero wala naman akong magagawa. If he thinks that it's the best idea then be it.

We ordered foods and talk about the things we missed. Naikwento ko na din sa kanila ang nangyari sa La Cresta kaya biglaan ang pag-uwi namin ng Maynila. Iyon nga lang natagalan akong sabihin sa kanila, inabot pa ako ng limang buwan bago makapagkwento! Galit na galit pa si Saiya noon dahil sa ginawa ng mga kamag-anak ko. 



"Nga pala, nabalitaan ko na na-invite ka sa talk show ni Tati Villavilente! Papasok ka na din ba sa showbiz?" Tanong ni Saiya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Oo nga pala, the famous actress and host Tati Villavilente invited me for an interview to her late night talk show. 

"Sobrang gulo ng showbiz, Saiya. Sa Amerika pa nga lang ay ayaw ko na, dito pa kaya sa Pilipinas? Besides I'm fine with my work right now. Hindi ganoon ka-stress." Wala pa akong nababalitaan na bagong musical na lalabas ngayong taon, that's why I decided to stay here for the mean time. Kung meron mang sabihin sa akin ang manager ko ay tutulak agad ako sa Amerika para mag-audition.

"Sabagay," tumango-tango siya. "Diba nabanggit mo na gusto mong magtayo ng business dito? What if mag-franchise ka ng sa'kin?" 

"Saiya, hindi pa nga malago ang business mo!" Sapo ni Gary ang noo niya dahil sa sinabi ng nobya.

"Hindi ka kasi nagtitiwala sa akin eh! My business will boom soon! Hintayin mo lang at kapag nangyari 'yon, who you ka sa akin!" I laughed at her remark. 

"May naisip na akong business pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan." 



Our dinner went well. It's good to see them, it's been years since we last saw and talk with each other. 

Pagod akong nakauwi sa hotel kung saan ako tumutuloy pansamantala. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. I checked my phone and it was bombarded with congratulation texts from my friends and colleagues . I even saw my manager's message reminding me about the interview tomorrow night. Live daw iyon. 

Exhausted and tired, I slept without changing my clothes and removing my make-up. Nagising ako ng tanghali, pakiramdam ko ay nabawi ko na ang puyat ko! Wala akong plano ngayong araw, iyon lang na interview. I made sure na walang manggagambala sa akin habang nagbabakasyon ako. 




"Eon?" I called to check on him. Sinilip ko ang prinipritong hotdog sa pan. 

"W-what? Ate it's three am!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God! I'm sorry, I forgot! I'll call you later, bye." Ibinaba ko ang tawag at napahiyaw dahil nasunog na ang hotdog na niluluto ko!



Nang tanghaling iyon ay nag-ayos ako. Uuwi ako kina Tita Ruby, ilang taon ko na din silang hindi nakikita at hindi nadadalaw ang puntod ni Mama. Walang alam si Tita sa nangyari sa aming magkapatid at sa mga Belmonte. Hindi ko iyon kinuwento sa kaniya dahil alam kong madami lang siyang sasabihin. 

Bago tumulak sa sakayan ng bus ay bumili muna ako ng iilang pasalubong. May pasalubong na ako sa kanila galing Amerika pero pakiramdam ko ay hindi pa iyon sapat. 



"R-Rence.." Hirap na sabi ni Tita Ruby. Pinilit niyang tumayo pero pinigilan siya ng anak niya. Puti na ang buhok niya at kulubot na ang dating makinis na mukha. 

"Tita," nagmano ako at niyakap siya. "May mga pasalubong ako sa inyo." 

Iniabot ko kay Winona ang mga dala ko, "Salamat dito Ate. Nag-abala ka pa." 

"Nasaan ang ibang kapatid mo?" Umiling lang at yumuko si Winona. 

"B-Buti napadalaw ka rito.." Nangilid ang luha sa mga mata ni Tita. "Tagal kitang hinihintay.." 



Hindi ko nakaligtaan si Tita Ruby na padalhan. Lalo na noong nangibang bansa ako. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at sila na lang ang tanging kamag-anak ko kaya walang akong dahilan para hindi gawin iyon.  

Inikot ko ang mata sa loob ng bahay. Ang dating barung-baro ay naging bato na. Kung dati ay masikip ito, ngayon ay malawak na. Nagkaroon na din ng second floor. Tita Ruby suffered from stroke six months ago. Kaya natutuwa ako ngayong naka-recover na siya. 



"Hindi po ako magtatagal, may gagawin pa po kasi ako mamayang gabi at kailangan ko agad umuwi ng Manila." Tumango siya. Umalis si Winona at iniwan kami sa sala. "Gusto ko po sana mabisita ang puntod ni Mama." 

"T-Tabi ni Esme si Balong at Bruno.." Nagulat ako sa sinabi ni Tita. "Nap-patay siya n'ong nakaraang linggo. K-Kakalibing niya lang kahapon." 

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko siya masundan. Lumabas si Winona galing kusina at may dalang inumin, "Wala na si Kuya Balong at Bruno, Ate. Na-tokhang." 

"B-Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" 

"Ayaw namin ni Mama na makaistorbo sa'yo, busy ka sa musical niyo. Ayaw namin makadagdag sa mga iniisip mo po." 

"Sana po sinabi niyo para nakadalaw ako.." 

"A-Ayos lang, Rence. Ang importante narito ka." 



Matapos nang iilang kwentuhan ay pumunta kami sa sementeryo. Hindi ito ang naaalala kong lugar kung saan nakalibing si Mama. Ang alam ko sa public cemetery lang siya, pero ngayon ay nasa private na. 



"Inilipat namin si Tita Esme dito, nagpagawa din po kami ng musileyo." Paliwanag ni Winona nang makapasok kami sa loob. 



Hinaplos ni Tita Ruby ang nityo ni Mama. Lumapit din ako doon para ilagay ang biniling bulaklak para sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawang kasunod ni Mama, sina Balong at Bruno. 



"Miss ko na si E-Esme.." Naluluhang sambit ni Tita. Naupo kami sa upuan, tinitigan ko ang pangalan ni Mama. "K-Kamukha mo siya noong bata ka pa.. Kaya nagagalit ako sa'yo noon dahil nakikita kita sa kaniya. Galit ako sa kaniya kasi iniwan niya ako." 

Hindi ko namalayan na naluluha na rin ako. "Hindi naman totoong namatay si Esme dahil sa sakit. Namatay siya dahil sa kalungkutan." 

"T-Tita ano pong sinasabi niyo?" Ngayon ko lang ito naririnig.

"Nagpakamatay ang Mama mo, Rence! Iyon ang totoo! Kaytagal kong nagtanim ng galit sa kaniya dahil sa ginawa niya! Iniwan niya akong mag-isa, iniwan niya din kayo!" Tears rolled down on my cheeks. "Nagpakamatay si Esme dahil sa sakit na naidulot ng Papa niyo!" 

Wala pa rin akong masabi, kahit kailan ay hindi nagkuwento sa akin si Tita Ruby tungkol kay Mama at Papa. Ngayon pa lang!

"M-May asawa si Papa.." 

"Alam mo?" Tumango ako sa tanong ni Tita. She scoffed. "Ang p-unyetang iyon! Paano mo nalaman, Rence?" 

"N-Nakilala ko po ang pamilya ni Papa." 

"Anong sinabi nila sa'yo? Na anak kayo sa labas? Hah! Ang kakapal ng mukha nila!" Hindi ako kumibo. Namumula sa galit ang mukha ni Tita kaya pinakalma siya ni Winona. "Kasal sina Esme at Irven, Rence! Kasal ang mga magulang mo!" 

TilaWhere stories live. Discover now