Kabanata 22

134 10 1
                                    







Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pinapagawang bahay at ang apartment na paparentahan ko. Naumpisahan na kasi itong gawin at gusto ko na kasama ako sa lahat ng kailangang gawin doon tulad ng pamimili ng materyales na mga gagamitin.

Architect Alvarado and his team told me that it is unnecessary but I insist.





"Leave it to him, Rence. Dapat nga ay nasa beach ka ngayon at nagrerelaks." Sermon sa akin ni Saiya nang pumunta ako sa shop niya. Sabay na kaming nananghalian.

"Gusto ko maging hands on 'no. Gaya ng ginagawa mo dito sa shop mo." Gusto ko lang talagang makita kung paano mabuo ang pangarap kong bahay at negosyo.

"Naiintindihan ko naman pero sana give yourself time to enjoy other things." Hindi ko naman nakakalimutan ang sarili ko, 'pag tapos ko kasing magpabalik-balik para tingnan ang paggawa ay nagpupunta naman ako ng Mall. "Mag-inom ka! Mag-party ka!"

Tiningnan ko siya, hindi makapaniwala. "Saiya, alam mong mahina ako sa gan'yan."

"Oo nga pala, ilang shot pa lang ay bagsak ka na!"

"Yeah, I'm not a party goer like you and Gary."

"Nakakalungkot nga eh, sana pala ay tinuruan kita kung paano! Para kahit papaano ay naging masaya ang buhay kolehiyo mo. Hindi iyong puro libro at stage ang kaharap mo!" We chuckled as we reminisce the good old days.





Kasagsagan ng kwentuhan namin ni Saiya ay nagtext sa akin si Ian. Paalala iyon tungkol sa party niya bukas, buti na lang at nag-text siya!

Sa isang exclusive na bar pala iyon gaganapin. Nagpaalam ako sa kaibigan na aalis muna para pumunta sa Mall. Bibili na ako ng maisusuot ko doon.

Pagkapark ay agad akong lumabas at ni-lock ang kotse. Medyo kakaunti lang ang tao sa Mall dahil weekday. Inisa-isa ko ang mga boutique ng mga damit, Gods and Goddesses pa naman ang theme ng party kaya dapat related doon ang damit ko. Nag-search ako sa phone ng example para makakuha ng idea.

I ended up buying a long black satin dress with lace up back, draped detail and a medium length slit on its right side. I paired it with a gold leather glitter gladiator sandals. I bought a golden olive leaves headdress too to complete the look.





"Hi Sir, good afternoon!" Rinig kong bati ng staff sa pumasok. The cashier thanked me for buying and I gladly thank her back.

"Rence?" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. It's Seis. Ngumiti siya sa akin sabay tingin sa mga pinamili ko.

"Seis.." Hindi ko ineexpect na makikita ko siya dito.

"Are you done?" Tukoy niya sa paper bags na hawak ko.

I nodded, "Yes. Ikaw?"

"Oh, I'm here to pick up the dress I bought." Dress? It must be for Ian. A gift for her, right? Since her birthday is tomorrow. Tinuon niya ang pansin sa cashier na inilabas ang paper bag.

"Okay," I was about to walk away when he said something.

"Are you free today? Can we have some coffee?"

"A-Ah.." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"If you're not free, it's okay... We can have it some other time." Napakamot siya sa batok niya.

"O-Okay lang, wala naman akong g-gagawin." Why do I keep on stammering? Wala naman akong problema sa pagsasalita!

Ngumiti siya at mukhang nakahinga ng maluwag, "Let's go."





Lumabas kami sa boutique at pinauna niya pa ako bago sumunod sa akin. Ngayon ay sabay naming binabaybay ang kahabaan ng fourth floor ng Mall na ito. Tanging ingay ng mga tao at music na tumutugtog galing sa Mall lang ang naririnig ko. Medyo nauna siya sa akin dahil sa laki ng hakbang niya, hindi na ako pumantay sa kaniya.

I stared at his back. He's wearing a white long shirt, denim pants and a sneaker. Buhaghag ang kulot at blonde niyang buhok. Kahit na ganoon lang kasimple ang porma niya ay malakas pa rin ang dating niya. Muntik na akong mapahinto sa paglakad nang lingunin niya ako.





"Where do you want to go? May specific ka bang coffee shop na gusto?" Tanong niya.

Nahihiya akong ngumiti, "Wala naman.. Ikaw?"

"Doon na lang tayo sa Aroma. Malapit lang iyon dito." I froze for three seconds. Sa Aroma? Bakit doon? Hindi naman sa hindi ko gusto doon pero parang alam na alam niya ang lugar na iyon at kabisado niya ang meron doon.

Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Saiya na palagi siyang naroon.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon