Kabanata 16

151 7 0
                                    




Nakatulog agad ako nang sabihin iyon ni Seis. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa lahat ng nangyari.

Nagising ako dahil may naaamoy akong mabango. Tirik na ang araw at ang sikat nito'y tagos dito sa loob mula sa labas. Nakatalikod sa akin si Seis, nasa harap siya ng maliit na kusina ng treehouse. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at naupo.




"Ayos ka na?" Tanong niya nang lingunin ako.

"A-ayos naman." Tinamaan ako ng hiya dahil sa mga nangyari. Nakaabala pa ako sa kaniya.



Wala akong ideya kung bakit siya ang tinawagan ko kagabi. Siguro'y naging kampante akong tutulungan niya ako dahil sa pagtulong niya sa akin sa t'wing may nangyayaring hindi maganda. At hindi naman ako nagkamali doon.

Tinulungan niya ako na makaalis ng hacienda.




"Kumain ka na muna," may kinuha siyang lamesa at dalawang upuan na di-tiklop at inayos iyon. "Nagluto ako ng agahan mo."

Tumayo ako at naupo sa harap niya. "Salamat dito Seis."

"Wala 'yon, Rence. Kumain ka na, pagtapos ay iuuwi na kita sa hacienda." Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain.

"Pasensya ka na sa istorbo."

"I said it's nothing. Huwag ka na munang mag-isip at kumain ka ng marami." He smiled at me.



Matapos kumain ay tumulak kami paalis doon. Nag-aabang sa labas ng mansyon sina Loqui at Isobelle. Lalapit sana si Isobelle sa akin pero pinigilan niya ang kaniyang sarili.



"Abuela's worried about you. I didn't tell them your whereabouts 'cause you need it, Rence." Sabi ni Loqui at sinabayan kaming pumasok sa loob.

"Rence!" Tawag sa akin ni Lola, inalalayan siya ng nurse niya papalapit sa akin. "Where have you been? I am worried that you left."

Hindi ako kumibo.

"Thank you, Seis." Pasasalamat ni Kuya Rio kay Seis na nasa likuran ko. Hinanap ng mata ko si Eon, nasa tabi siya ni Jako at tahimik na nakatingin sa akin.

"Kung gusto niyong umuwi ng Maynila, hindi namin kayo pipigilan. But always remember that you are part of this family, you can always come back here." Ani Tito Inario.

"S-salamat po sa lahat." Nilapitan ko si Eon at kinuha ang kamay niya.



Sinabihan ko siya na mag-ayos na ng gamit niya bago ako pumasok sa kwarto. Naligo ako at nagbihis, nilagyan ko ng mga band aid ang mga sugat ko pagkatapos. Maayos na ang hmga gamit ko kagabi pa.

Inikot ko ang tingin sa buong kwartong tinuluyan ko.

Tahimik kaming hinatid ni Kuya Rio sa sakayan ng bus paluwas ng Maynila. Hindi ako pumayag na ihatid nila kami hanggang doon, masyado na silang maraming nagawa para sa amin ni Eon. Nagpasalamat kami ni Eon kay Kuya bago sumakay ng bus.

Gulat sina Saiya at Gary nang makauwi kami sa apartment, siyempre nagtanong sila kung bakit napaaga ang uwi namin pero hindi ko sila sinagot. Ayaw ko muna pag-usapan ang tungkol doon.

Days passed at bumalik sa dati ang buhay ko. Nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi. Tyrone is happy that I came back, akala niya daw ay hindi na ako babalik.



"By the way, someone's looking for you the day after you left. She's a regular here, the tall one. I think she's one of your cousins." Nilingon ko si Tyrone na gumagawa ng latte.

"Si Aura?"

"'Di ko alam ang pangalan niya, basta 'yong matangkad."


Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin, wala na akong balak na magkaroon pa ng komunikasyon sa kanila.



TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon