Kabanata 5

192 9 0
                                    


"Are you okay?" 

Tanong sa akin noong lalaki na sumuntok sa boyfriend ng kaibigan ko. Tumango ako bilang sagot. Tapos na yata siya sa pakikipag-usap sa iilang guard na rumespundi kasama iyong isang lalaki.

"Salamat pala." Kung hindi dahil sa kanya ay baka ako na ang nasa clinic ngayon. 

"No worries." 

He smiled at me. Syempre nginitian ko din siya pabalik, may sasabihin pa sana siya pero naantala dahil sumugod sa akin sina Saiya at Gary. 

Kumalat na sa buong campus ang ginawa ni Pancho sa akin. Maging si Eon ay pawis na pawis dahil sa pagtakbo makarating lang agad sa kung nasaan ako, nang makita niyang ayos lang ako kasama ng mga kaibigan ay hindi na siya nagmukhang aligaga at tumungo na lang kay Isobelle.

"I'm so sorry Rence!" Iyak ni Saiya sa akin. Umiling ako habang nakayakap sa kaniya.

"Don't be, wala ka namang kasalanan." I wiped away her tears. 

"Sana naman matauhan ka na, Saiya." Si Gary na halatang galit dahil sa nangyari.

Nilapitan ko rin agad ang kapatid, kailangan ko pa ding sabihin sa kaniya na huwag mag-alala dahil ayos lang ako. Sinabi ko rin ang buong nangyari, ang pagsugod ni Pancho sa akin at pamimilit pati na ang pagsagip sa akin noong lalaki. Nagpasalamat siya doon sa lalaking tumulong sa akin matapos kaming mag-usap.

Nakita ng mga mata ko ang matangkad na si Tyrone sa dagat ng mga taong nakikuusyoso, nagmamadali siyang dumalo sa akin.

Naniniwala na ako ngayon na may pakpak talaga ang balita.

Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas-taas ito na para bang nabalian ako ng buto o may nawawalang parte sa katawan ko.

"Okay lang ako, Ty. Hindi naman ako nabugbog ni Pancho." Natawa ako sa hitsura niya, seryosong-seryoso kasi. "Kumpleto pa naman at buo ang mga buto ko." 

Sinimangutan niya ako, "T-angina talaga ng Mendiola na 'yon!" Inis niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko kung saan ako hinigit ni Pancho. Napangiwi ako dahil medyo masakit iyon. "Masakit?" 

"K-konti pero kaya naman.." 

"Sana pala hindi na lang ako umalis." Aniya, puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa mukha niya.

"Baliw! Mas importante ang lakad mo kaysa sa akin, huwag mo na lang isipin iyon." Nginitian ko siya para makumbinsi na okay lang talaga ako, "Ang bilis mong nakarating dito ha?"

"Mabilis? Ang tagal ko nga! Kung mabilis akong nakarating edi sana ako umupak doon kay Mendiola." Inis na inis niyang sabi, "Narinig ko lang sa mga schoolmate natin ang nangyari sa'yo. Sorry." 

Napanganga ako, "Bakit ka nag-sosorry? Wala ka namang ginawa ah."

"Iyon nga eh, wala akong ginawa. Ayan tuloy, nasaktan ka." 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinasabi ngayon ni Tyrone. Ayoko naman mag-assume na iba ang pagka-concern niya sa akin, na may iba pa itong kahulugan maliban sa pagiging kaibigan. 

"Ate, on the way na si Kuya Rio papunta dito." Nagtaka ako, bakit siya pupunta? Damn!

Dahil sa nangyari ay umalis kami sa campus, hindi pa tapos ang program sa loob pero sa nangyari kanina ay nawalan na ng gana na makisali pa doon ang mga kaibigan. Tumungo kami sa Aroma para doon magpahinga.

Kasama ko sa table sina Saiya, Gary. Pumunta si Tyrone sa manager namin para makahiram ng ice bag, ilalagay niya daw sa kamay ko. Samantalang sa kabilang mesa naman ay sina Eon, Isobelle at iyong dalawang lalaki. Unti-unti kong iniikot ang kamay at hinahawakan, masakit talaga ito. Napwersa kasi. Namumula pa ito, panigurado pasa na ito bukas.

TilaWhere stories live. Discover now