Kabanata 12

159 9 0
                                    




"What fruit do you want?" Tanong ni Seis sa akin, nasa harapan kami ng maliit na tindahan. Ito ang sinasabi niyang bilihan ng masarap na fruit shake.

"Ano bang nariyan?" May nauna sa aming customers na kasalukuyang ginagawa ang order nila.

"Ate mayroon kaming mangga, strawberry, saging, ubas, pinya at orange." Sagot ng batang babae sa akin.

"Strawberry na lang sa akin."

"Isang strawberry at mango." Order ni Seis. Naupo kami sa kawayan na upuan sa gilid ng tindahan.


Maliit na tindahan lang iyon, parang kubo type siya pero maraming humihintong kotse para bumili. Kahit tanghaling tapat ay hindi masakit sa balat ang init, siguro dahil nasa lilim kami ng mga puno.

Humangin ng bahagya kaya naman sumayaw ang mga sanga ng puno at naglaglagan ang ibang dahon.


"Do you want to know their secret?" Nginuso niya ang sa tingin ko'y mag-inang gumagawa ng order ng mga customers nila.

"What is it?"

"Nilalagyan nila ng gayuma para mahumaling ang mga mamimili at bumili pa sa kanila ulit." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hala! Alis na tayo, mamaya kung ano pa nilagay nila doon eh!" Tumayo ako at hinila siya para makasakay sa kotse.

"I'm joking, Rence! Why so serious?" Tawa siya ng tawa dahil sa naging reaksyon ko.

Hinampas ko ang braso niya na 'di ko dapat ginawa, "Nakakainis ka!"

"Sorry! Seryoso mo kasi masyado!" Naggy-gym ba siya? Kaya ganoon katigas ang braso niya? "Ang totoo niyan, hindi gatas ng kalabaw o baka ang hinahalo nila sa shake, kundi gatas ng kabayo."

"Huh? Masarap ba 'yon?" Tumango siya.

"Para sa mga tao dito, oo. Ewan ko lang sa'yo? Matitikman mo naman kapag tapos na ang order mo."

"Kuya Seis, heto na po ang order niyo." Lapit sa amin noong bata.

"Salamat Iway, huwag mo nang ibalik ang sukli ko. Sa'yo na 'yan pambaon mo." Ginulo-gulo ni Seis ang buhok ng bata saka kami umalis.

"Kilala mo pala sila?" Nakakatuwa dahil sa simpleng gesture niya na 'yon ay malaki na ang naitulong niya.


Noong bata ako, walang binibigay sa akin si Tita Ruby na baon papasok sa school. Aalis ako na tanging bag at sarili ko lang ang dala. May isang matandang pulubi ang nagbigay sa akin ng pera, nakita niya kasing hawak ko ang tyan kong sumasakit dahil hindi pa kumakain.

Sobrang tuwa ko doon na kahit marumi siya'y niyakap ko pa din. Pagdating sa school ay naging tumpulan ako ng tukso dahil sa dungis. Hindi ko iyon pinansin dahil masaya ako. Masaya akong nakakain ng tinapay dahil sa kakaunting baryang binigay sa akin.

Doon ko narealize na may mga tao pa ding handa kang tulungan, iyong walang pagaalinlangan.


"Ang Mama niya ay dating nagtatrabho sa planta namin, isa iyon sa mga natanggal n'ong nagbawas ng mga tauhan." Mabuti naman at nagkaroon siya ng hanap buhay kahit maliit.


Tinikman ko ang fruit shake na binili namin. Totoo ngang masarap! Sakto lang ang tamis na binibigay ng gatas na inihalo. Mabilis ko iyong naubos na ikinatuwa ni Seis.

Alas dos na nang makatating kami sa rancho. Mas malaki ito sa lupain ng mga Belmonte. Sa gilid ng rancho ay ang isang malaking bahay at sa tabi nito ay parang bahay din ngunit mukang garahe.

Inihinto ni Seis ang kotse sa driveway, saktong papalabas kami ay lumabas din ang isang lalaki sa garahe. Nagpupunas siya ng kamay habang lumalapit kami.


TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon