Kabanata 2

254 13 0
                                    


Hindi ako nakatulog nang matapos ang usapan namin ni Tita. Mas lalo akong namroblema dahil kailangan ko siyang padalhan ng pera buwan-buwan, um-oo ako dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sa ilang taon niya kaming inalaagan, dito na lang ako babawi sa kanya.

Nagtimpla ako ng kape at naupo sa hapag. Wala pa din si Eon, I'm calling him several times but he is not answering. Nag-aalala na ako baka kung napaano na 'yon. Nakareceive din ako ng text kay Tyrone kung okay na daw ba at nakauwi na ako. Nireplyan ko siya, nagpasalamat ako at sinabing sa sahod ko na lang ibabalik ang perang hiniram. 

Sinubukan kong hindi muna mag-isip ng kung anu-ano, para naman makatulog ako. Sa kalagitnaan ng tulog ko ay naalimpungatan ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Eon?" Tawag ko sa taong pumasok. Sinilip ko ang oras sa cellphone at nakitang alas quatro na ng madaling araw. Tumayo ako para tingnan siya. "Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?" 

"Diyan lang," sagot niya. 

Tumungo siya sa kusina at uminom ng tubig, "Hindi mo ba hawak ang phone mo? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo."

"Hindi ko napansin. Pasok nako sa kwarto." Paalam niya, bago pa man siya makalampas sa akin hinawakan ko na ang kamay niya.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo, sasama ka sa akin sa Manila mamaya."

Hindi na ako nakatulog dahil sa kakaisip kung saan kami titira ni Eon. Hindi pwedeng sa dorm kami dahil bawal ang lalaki doon. Tinawagan ko si Saiya kahit na maaga pa pero patay ang phone niya. Si Gary din ay tinawagan ko at salamat dahil nasagot niya.

"What happened? Anong plano mo? Pauwi ka na ba dito kasama si Eon?" Sunod-sunod niyang tanong matapos kong i-kwento ang sinabi ni Tita sa akin.

"Hindi ko na alam, Gary. Nawiwindang na ako." 

Matapos ang pagtawag ko kay Gary ay nagtimpla ako ng kape. Lumabas ako ng bahay para makapag-isip ng maayos. Buti na lang hindi pa inaalis ni Tita ang upuan dito sa tapat. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid, gustong-gusto ko dito dahil napapaligiran ng puno ang compound. Tahimik at mahangin. 

Ano kaya ang buhay namin ni Eon kung kumpleto kaming pamilya? Kung kasama namin sina Mama at Papa. Nagiisip kaya ako ng ganito kung kasama ko sila? 

Napangiti ako ng mapait. 

"Excuse me?" 

Nawala ang pag-iisip ko sa kawalan dahil sa lalaking nagsalita sa harap ko. Matangkad, medyo moreno, nakatali ang buhok, matangos ang ilong, naka-white polo shirt, pants at boots. Halatang hindi taga-rito.

"Ano 'yon?" 

"Dito ba nakatira si Eon Belmonte?" Tanong niya. 

"Oo, dito nga bakit?" 

"I just want to talk, is he here?" Anong kailangan nito sa kapatid ko? May ginawa ba si Eon na hindi ko alam? Masamang gawain?

"He's still asleep. Sino ka? Bakit gusto mong kausapin ang kapatid ko? Anong pakay mo?" Hindi ko na napigilang itanong, mamaya masamang tao pala ang isang 'to. At isa pa, ganito kaaga? Papasikat pa lang ang araw at may naghahanap na sa kapatid ko?

"K-kapatid mo si Eon?" Gulat niyang tanong, hindi makapaniwala.

"Oo." Hindi kami magkamukha ni Eon, moreno kasi ito at ako ay maputi. Ang sabi ay nagmana daw ako kay Mama, totoo 'yon dahil si Tita Ruby mismo ay maputi. "Barkada ka ba ni Eon? Bakit lagi siyang late o umaga umuwi? Saan kayo pumupunta? Magkasama ba kayo kanina? Nagda-drugs ba kayo?"

"Whoa!" Pagtigil niya sa'kin, "You can say that I am his friend. Hindi kami madalas na magkasama pero kanina kasama niya ako. And no, we're not doing drugs."

TilaWhere stories live. Discover now