Kabanata 30

155 5 0
                                    


Habang hinihintay ang tawag o text ni Eon ay nagpasya kami ni Seis na pumunta muna sa Mall. Kailangan nIyang bumili ng damit ngayon. Mabuti na lang daw at may bukas na ukay-ukay kagabi kaya nakabili siya ng damit na susuotin para sa araw na 'to. I find it amusing knowing that a wealthy man like him will buy and wear clothes from the thrift shop. Alam mo 'yon? Hindi mo maiisip sa kaniya na gagawin niya ang bagay na iyon.


"You find it funny huh?" Naasar niyang tanong dahil tawa ako ng tawa.

"Wala kasi sa hitsura mo na magsusuot ka ng ganoong mga damit. Alam mo na... Mayaman ka at negosyante." 

"Yes, it's true. I am a businessman but it doesn't mean that I will not wear clothes from ukay-ukay." Mas natawa ako dahil seryoso na siya ngayon.

"Oo, alam ko 'yon. Tara na. Doon ka na lang sa department store bumili ng mga damit." Dumiretso kami sa department store, hindi kami maiwasang pagtinginan ng mga tao. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa akin o dahil kay Seis. 


Tumitingin ako ng bagay na t-shirt para sa kaniya nang marinig ko ang isang babae na tinawag si Seis. Agad itong lumapit sa kaniya at umakap na para bang ang tagal na nilang hindi nagkita. She was like a child who saw a delicious ice cream. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at tinuon na lang ang pansin sa mga damit. 


"May reunion tayo sa susunod na araw. Lahat ng mga kaklase natin noong junior high school ay nandoon kaya pumunta ka ha! I'll expect you there!" Rinig kong sabi ng babae. Sinilip ko sila at nasakto namang humalik ang babae sa pisngi ni Seis. "See you around Seis!" 


Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa sistema ko. Pinagpatuloy ko ang paghanap ng iba pang damit para sa kaniya kaso kung anu-ano na lang ang inilalagay ko sa basket. Nagulat na lang ako dahil nasa likuran ko na pala siya. 


"May reunion pala kami sa susunod na araw, kailangan ko ding bumili ng damit para roon." Aniya na tinanguan ko lang. 


Hanggang sa matapos kaming bumili ng mga damit niya at tumungo sa isang coffee shop para mag-merienda ay naging tahimik lang ako. I don't know if I am jealous of what the girl did, hugging and kissing Seis on his cheek, or just hate the fact that Seis didn't bother to tell me who is that girl and what happened to their talk, or just both! 

He's always open to me, he will tell me everything he did or what happened to him. But right now... Am I overreacting? Am I overthinking? 


"Earth to Rence?" Pumitik-pitik siya sa harap ng mukha ko. 

"Yes?" Napabitaw ako sa cup ko dahil napahigpit na pala ang hawak ko doon. 

"Something bothering you?" Umiling ako at tipid na ngumiti. "You've been quiet since we came here." 

"Wala." I smiled.


Kumain ako ng cake para iwasan na niya ang pagtatanong. Iniwasan ko rin na tingnan siya o bumaling ang paningin ko sa kaniya. I just can't contain my feelings today. If this is what jealous like, then I am. If this is what sulking like, then I am.


"Seriously Rence, what is the problem?" Kinuha niya ang kamay ko at pilit na hinuhuli ang mga mata ko. 

"I'm eating, Seis." Seryoso kong sabi. 

"Rence, may problema ba tayo? Bakit bigla kang tumahimik? You're not like that unless something is not right or there is a problem." Mukhang nagmamakaawa siya sa harapan ko. 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon