Kabanata 14

131 7 0
                                    





Masaya at nagmamadali kaming tumakbo papunta sa dagat. Dala-dala nila ang kani-kaniyang surf board.

Sinabi kong magswiswimming lang muna ako bago mag-aral kung paano mag-surf. Sa gitnang bahagi ng dagat ang malakas at maatas ang alon kaya hanggang unahan lang ako. Nag-uunahan sina Loqui, Jako, Seis, Isobelle at Kuya Rio papunta sa gitna sakay sa surf board nila.

Nang may alon na paparating ay tumayo agad si Seis at kinuha ang pagkakataon na iyon para sumabay. Kahit malayo ay alam kong sa akin siya nakatingin.

He smiled and winked at me before he was struck by the waves and sunk into the sea.




"Nice one, Seis!" Sigaw ni Isobelle na ngayon ay sumubok ding sabayan ang alon.

Loqui's laughter echoed when Isobelle immediately fell down into the water. "Anong ginagawa mo?"

"F-uck!" Sigaw ni Isobelle nang makaangat, mas lalong tumawa si Loqui na ikinatawa ko din.



Hinayaan ko sila doon at nagbabad na lang sa ilalim ng dagat. Naging busy ako sa paglangoy-langoy kahit na masakit sa mata. Tirik na tirik at nakatutok pa sa amin ngayon ang araw.



"Hindi mo ba susubukan?" Napalingon ako sa akin likuran dahil sa nagsalita. Si Seis.

"Naku, mamaya na!" Hindi ko na alam kung anong oras ngayon dahil iniwan ko ang wrist watch ko, hindi kasi ito water proof.

"What time? High tide na kapag hapon at mas mahihirapan ka." Sa totoo lang, wala akong plano matuto mag-surf, 'di tulad ni Eon na ngayon ay nakikisabay na sa mga pinsan.

"Wala naman akong balak, maa gugustuhin ko na lang lumangoy." Kahit nakakapagod, idudugtog ko sana.

"Gusto mo mag-kayak na lang?" Aya niya.

"Okay lang naman," nangangawit na ang mga paa ko kakalangoy kaya maganda din ang naisip niya.

"Wait here, I'll get it." Nagmamadali siyang pumunta sa dalampasigan, iniwan niya ang surf board doon at tumungo sa sports bag niya.



Pinanood ko siya habang inaassemble ang kayak niya. Mayroon palang ganoon, folding kayak. Ngayon lang ako nakakita n'on!

Nagsagwan siya papalapit sa akin, pang-isahan lang iyon kaya naman tumalon siya sa tubig para ako ang makasakay.



"Tulungan na kita," aniya nang makitang hirap ako sa pag-ahon at pagsampa.

Nahihiya akong naupo at tumingin sa kaniya, "Salamat."



Bumalik siya sa dalampasigan para kuhain ang surf board na naiwan. Samantalang nagsagwan naman ako papalayo sa kanila ngunit hindi papunta sa kung saan malalakas at matataas ang alon.

Nag-init ang mukha ko nang maalala ang pagtulong sa akin ni Seis na makaangat, hawak niya ang baywang ko para sumuporta. Pinilig ko ang ulo ko para maiwasan ang pag-iisip na 'yon!

Abot tanaw ko na ang light house na gusto kong makita mula dito sa dagat. Mataas ang lupa na kinatitirikan nito. Tahimik ko itong pinagmasdan. Sa ilalim nito ay mga batuhan. Kapag nalaglag sa siguro mula sa taas ay sa batuhan ka babagsak.

Umalon ng malakas kaya naman umikot na ako para bumalik kung nasaan ako kanina. Ngunit sa pangalawang alon ay nadala ang kayak pati ako. Hindi na ako nakasigaw pa dahil sobrang bilis ng pangyayari!

Humampas muli ang alon at hindi ako nakaahon, nakaramdam ako ng hapdi sa binti ko dahil sa isang matulis na bagay. Sinubukan kong umahon ngunit hindi ko kaya parang may humihila sa akin!



TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon