Kabanata 24

128 6 0
                                    



I looked myself at the mirror. Ang make-up ko ay ako lang ang naglagay, ayaw ko kasing abalahin pa ang make-up artist ni Tita Kyla. Bumagay ang itim na dress na binili ko sa gold na gladiators. Nakalugay din ang buhok kong meydo maalon. 

Umalis agad si Eon kagabi, aniya'y nagpakita lang siya sa akin para hindi ako mag-alala. Nasa malapit na hotel lang naman siya kaya pwede ko siyang dalawin kapag may oras ako bukas. Bukas na din ang uwi niya sa La Cresta. Kinakabahan ako para sa kaniya. 

Alas sais ng gabi ang party pero five o' clock pa lang ay nakahanda na ako. Naalala ko na naroon mamaya si Seis. Now I don't know how to face Ian after what Seis did at Aroma. I looked at the paper bag on my bed, it's a gift for Ian. I ordered it online yesterday and delivered earlier. 



"Bakit ka matatakot? Hindi naman ikaw ang nag-first move," sabi ni Saiya. Tinawagan ko siya at kwinento ang tungkol sa nangyari.

"Hindi ko alam! Nakakahiya, Saiya. She's kind to me tapos aayain ako ng boyfriend niya na maging date sa mismong birthday party niya!" Aligaga kong sabi. Naupo ako sa kama at hinilot ang sintido.

"At least you turned him down, don't worry Rence. You did nothing wrong, okay? Just enjoy the party." We ended the call since I need to leave now. Baka maabutan pa ako ng traffic. 



Hindi gan'on kalapit ang bar na gaganapan ng party ni Ian, mabuti na lang at hindi din ganoong traffic. I parked my car at the parking lot and locked it. Marami nang bisita na pumupunta, halos lahat sila ay nakaputi. May mga ginastusan talaga ang costume. 

Sa labas pa lang ng bar ay malakas na ang tugtog, maganda ang decoration sa labas nito. Naroon ay ang dalawang poste na laging nakikita sa mga movie na tungkol sa mga greek gods and goddesses.  Maliwanag pa ang loob ng bar nang pumasok ako, inilagay ko din sa isang table ang regalo ko para sa kaniya. Pumwesto ako sa bandang likuran. 



"Thank you," pasalamat ko dahil binigyan ako ng maiinom ng waiter. I tasted it and it's a ladies drink. 



Nagiinom din naman ako noon, iyon nga lang hindi ganoon kalala. Sina Saiya at Gary ang malalakas sa inuman, samantalang ako ay mahina. Noong tumulak ako sa Amerika ay medyo lumakas at tumagal na rin ako sa pag-iinom. Hindi iyon maiiwasan lalo na kapag successful ang pagtatanghal namin sa iba't-ibang lugar. 

Unti-unting napupuno ng mga bisita ang buong bar sa paglipas ng oras. Nang mag-alas sais ay nag-announce na ang Dj na narito na si Ian, ang birthday girl. Everyong shouted when they saw how elegant Ian is. Although she's only wearing a white dress, her beauty still stands out. Ngayon ko lang napansin na lahat sila'y puti ang soot samantalang ako ay itim. 

The party started and Ian greeted everyone who came. Malaki ang ngiti niya nang makita ako, tumayo ako para salubungin siya.



"Glad you made it, Rence!" Nagbeso kaming dalawa. "Your dress is beautiful! Where did you get that?"

"Doon lang sa Mall na malapit dito. Happy birthday, Ian." She hugged me and I hugged her back. 

"Thank you! Okay ka lang ba dito? Nag-iisa ka lang dito sa table, wanna join my friends over there?" Tinuro niya ang nasa unahang table na may pabilog na couch. 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon