Kabanata 31

138 6 0
                                    


"Yo también te quiero." Gulat na gulat siya sa sinabi ko, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako na tila ba hindi makapaniwala sa narinig. 

"W-What did you say?"

 Umiling ako at ngumiti.

"Secret. Hindi ko na uulitin." 

"Say it again, Rence." 

Sa pangalawang iling ko ay niyakap na niya ako. 


I love you too. It's true. Mahal ko na din siya. Gaya ng sabi ko noon, hindi siya mahirap gustuhin o mahalin. He's kind, intelligent and reliable. He has strong features that mixes to his personality. Kuya Rio was the first one who made me feel like I can depend with other people and next to him is Seis. Pinaramdam niya sa akin na puwede ko siyang sandalan sa lahat ng oras at importante iyon sa akin. 

I was and still am independent, yes it's a good thing. You are responsible in your obligations, you take care of your own needs. I worked very hard to be in this position, I supported myself and my brother. There is also nothing wrong being dependent on someone who you love for emotional support. Sabi nga nila hindi mo maiiwasang dumipende pa din sa ibang tao pagdating sa iyong kasiyahan, ngunit huwag mo lamang papaikutin ang mundo mo na sa kaniya lang. 

I stared at him. He is looking at me with so much love in his eyes. Dahil sa liwanag ng buwan, kitang-kita ko ang pagkinang ng kaniyang mga mata. 


"Yes, Seis." Mahina kong sabi. 

"Rence, are you sure?" 

Tumango ako.

"Oh Dios mío! No puedo creerlo! Eres mi novia ahora!" (Oh my God! I can't believe it! You're my girlfriend now!) 

Natatawa akong hinampas siya ng mahina sa dibdib. "Sí lo soy!"


Hindi na niya napigilan ang sarili at hinatak niya ako papalapit. He looked at me while smiling and traced my lips. Napaawang ang labi ko dahil doon. Labis na nagagalak ang puso ko dahil sa nangayayari, sobrang bilis ng tibok nito. Tila inaantok akong bata habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Pumungay ang mga ito bago pumikit. At sa ilang saglit pa ay nagkrus ang aming mga labi. 

We stayed there for about an hour. Nakaupo lang kami sa couch at magkahawak ang kamay. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Kung nakikita lang siguro kami ng ibang tao ngayon ay baka napagkamalan na kaming mga baliw dahil sa pagngiti namin. 


"I still can't believe it..." Namamaos na sabi ni Seis. Nakahilig ako sa kaniyang dibdib. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak. 

"Bakit naman?"

"Ang akala ko kasi ay tatagal pa ang panliligaw ko sa'yo." I chuckled. "Alam mo ba minsan kapag mag-isa ako sa condo o nasa trabaho ako, napapaisip ako kung sasagutin mo ba ako o hindi."

Tiningala ko siya at naabutang nakatingin na siya sa akin, "Bakit mo naman naisip 'yan? Eh halos kasama nga kita palagi."

"Ang hirap mong basahin, masyadong tipid ang mga kilos mo. Hindi ka din nagpakita ng kung ano para maisip ko na sasagutin mo ako." Ngumuso ako dahil doon.

"Seryoso? Hindi ko alam, akala ko ay napapansin mo na gusto din kita kasi sinasagot ko naman ang mga tanong mo kapag tinatanong mo ako kung nasaan ako. Hindi naman kita pinapaalis kapag pinupuntahan mo ako. At saka nagti-text tayo araw-araw, hindi ba?" 

TilaWhere stories live. Discover now