Kabanata 34

165 7 1
                                    


"We'll see each other tomorrow. Sasamahan mo kami nina Eon sa Santa Monica, hindi ba?" Nilapitan ko si Seis na nakaupo sa dulo ng kama. Niyakap niya ang baywang ko at ibinaon ang ulo niya sa tiyan ko. 


Pagkatapos ng dinner ay dumiretso kami sa Aster Hotel, nabanggit ko sa kaniya ang gustong mangyari ni Kuya Rio at hindi naman siya umapila. Tapos na ako sa pagimpake ng mga damit ko at ready na umuwi sa hacienda pero dahil hindi maipinta ang mukha ni Seis ay hindi ako agad makaalis.


"I don't want you to leave but I respect Kuya Rio, so let's go." Tumayo siya kaya naman ako na ang tumingala sa kaniya. I cupped his face and planted a soft and small kisses on his cheeks. 


Kinabukasan ay maaga akong nagising, saktong bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa akin ang mukha ni Seis na ngiting-ngiti. Pumasok siya na may dala-dalang tray. Naupo ako sa kama hanggang sa makalapit siya sa akin. 


"Good morning, Miss." Inilapag niya ang tray sa harap ko at hinalikan ako sa noo.

"Ang aga mo," medyo paos-paos kong sabi. 

"I want you to see my handsome face first before anything else in the morning." Marahan ko siyang hinampas sa braso at tumawa. 

"Handsome, huh?" Kinurot niya ang pisngi ko.

"Eat your breakfast now." 

"What about you? Hindi mo ako sasabayan?" 

"Of course not, this toast is mine. I prepared it for myself." Kinuha niya ang toast na nasa pinggan at kinain agad iyon. 


Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay nakisuyo ako kay Seis na sabihan si Eon na maghanda na at contact-kin si Antoinette. Nakabihis na ako at pababa ng hagdan nang saktong dumating sa mansion si Antoinette. Nakaputing bistida na naman siya at tahimik na naupo sa sala. Malayo sa kaniya si Eon na may tina-type sa cellphone. 


"Let's go?" Tanong ko sa kanila at naunang lumabas ng mansion. 


Sa harap ay nakaparada na ang sasakyan ni Seis. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ganoon din kay Antoinette. Tahimik sa buong byahe ang dalawa, ni hindi sila nag-uusap kaya nagpatugtog na lang ako. 

Natraffic kami malapit sa palengke dahil may patay. Sinilip ko ang cellphone ko at may nakitang mensahe doon na galing sa 'di kilalang numero. Binuksan ko iyon at halos mahampas ko si Seis dahil sa tuwa.


"What is it?" Usisa niya dahil napansing ngiting-ngiti ako.

"It's Hell, she's willing to have a dinner with me." 


Nakarating kami sa hospital at agad na pina-check si Antoinette. Tahimik kaming nakaupo at naghihintay na papasukin ng doctor sa loob ng kwarto. Tiningnan ko si Eon na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Umilaw ang phone niya at nakita ko doon ang wallpaper niya, black and white iyon at nasisiguro kong hindi si Antoinette ang nasa picture.

Matapos ang ilang minuto ay tinawag kami ng doctor.


"So here's the result of Ms. Antoinette Del Ruiz' check up." Lahat kami ay nag-aabang para sa resulta. 


Pagtapos ng check-up ay inihatid namin si Antoinette sa kanila, nagpaiwan din doon si Eon dahil kakausapin niya raw ang pamilya nito. Pinanood ko lang ang tanawin sa labas habang umaandar ang sasakyan. Tumigil ito kaya napatingin ako kay Seis, itinabi niya ito saka bumaba. Sinundan ko siya at nakita ang isang kubo na pinuntahan namin noon. 

TilaWhere stories live. Discover now