Kabanata 7

164 8 0
                                    



"Sigurado ka ba, Ate?" Tanong ni Eon habang nag-iimpake ako ng gamit namin dito sa apartment. 


Matapos ang shift ko kaninang madaling araw ay tinawagan ko si Eon na umuwi din sa apartment. Nauna ako sa kanya na at naabutan niya na akong ganito. Nagiimpake para sa pag-alis.

Seis and I talked about for almost an hour. Natuon ang breaktime ko sa pag-uusap naming dalawa tungkol sa mga Belmonte at La Cresta. He told me everything he knows about the Belmonte's, but he also told me that if I really want to learn about them or my family I should go to La Cresta and meet them.


"Oo," tipid kong sagot kay Eon. He sighed. 

"Bakit biglaan?" Tanong niyang muli, tiningnan ko siya ng mabuti.

"Pakiramdam ko lang na dapat tayong pumunta doon. Para makilala natin sila, para makilala natin ang pamilya natin." Alam kong bago sa akin ang lahat ng 'to pero wala namang masama kung susubukan ko nang tanggapin ang lahat diba?

"Nakausap mo na ba si Kuya Rio?" 

"Hindi pa."

"I'll call him." Umalis siya sa harap ko at lumabas ng kwarto.


Tinext ko sina Gary at Saiya tungkol sa pag-alis ko, hindi ko na sila naabutan kanina dito sa apartment kaya hindi na ako makakapagpaalam ng personal. Madami akong mamimiss na lessons sa mga subjects ko dahil sa pag-alis kong ito pero hindi muna iyon ang iniitindi ko. 

Sigurado naman ako sa desisyon ko na pagpunta sa La Cresta sa kabila nang pakiusap sa akin ni Aura. 


"Kuya Rio's coming in five minutes." Anunsyo ni Eon nang matapos ang tawag sa pinsan. 

"Sigurado ka ba talaga?" Pangalawang tanong niya.

"Oo nga. Siguradong-sigurado ako. Pamilya din nila tayo Eon," I held his hand. "It's gonna be okay, everything's gonna be okay."


Within five minutes, dumating si Kuya Rio sa apartment. Agad niya akong inusisa tungkol sa desisyon kong pumunta sa La Cresta. Nagulat daw siya sa sinabi ni Eon, kaya naman nagmadali siya papunta dito. In the end, natuwa naman siya.


"I texted Isobelle and Loqui to fix their things. Sabay-sabay na tayong uuwi." May ngiti sa labi niya nang sabihin iyon.

"Paano ang pag-aaral mo Ate?" Si Eon.

"Are you planning to stay there, Rence? For good?" Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Rio.

"Hindi ko po alam, siguro titingnan at pakikiramdaman ko po muna ang lahat. Ang kailangan ko lang ay ang excuse letter ko na liliban ako sa mga klase at makapag-paalam sa trabaho ko na mawawala ako ng isang linggo."

"I can handle that,"  tumayo siya kaya napatayo din kami ni Eon, "I'll fetch you at eight pm. Make sure to bring everything you need. We'll travel by land, it's a ten hours travel so get ready. Take some rest Rence, you just came home from work. You too, Eon. I'll go ahead."

"Opo, Kuya." 


Umalis din agad si Kuya Rio dahil aasikasuhin iyong sa school at trabaho ko. Si Eon naman ay umalis para bumili ng ibang kailangan namin. Nakahiga na ako sa kama ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon