Kabanata 23

139 6 1
                                    




Dahil may dala kaming sariling sasakyan ay nagpasya kaming susundan ko na lang siya. Medyo limot ko na kasi ang pasikut-sikot at hindi ko na sigurado o alam kung ganoon pa din ba ang daan papunta sa Aroma.

Nakatitig ako sa likuran ng kotse ni Seis. Inaya niya akong magkape. I can't believe this!


"It's been five years..." Aniya nang nakaupo kami. He already ordered and now we are waiting for it to be served. "It's been a long five years, Rence."

"Oo," pinasadahan ko ng tingin ang buong Aroma. Napakaraming nagbago sa lugar na 'to!


Marami nang pagpipiliang inumin at panghimagas. Nagseserve na din sila ng mga meals. May spot din na para sa mga estudyanteng gusto ng tahimik na lugar para makapag-aral. At mas lalo itong lumaki dahil may second floor na ito.

Nagpursigi talaga ang may-ari nito para palaguin ang negosyo niya. Nabuhayan ako, siguro nama'y lalago rin ang negosyo ko kung magsusumikap ako.



"How are you?" Nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot sa tanong niya.

"Ayos naman." Ngumiti ako. My smile fade slowly when I remember that I am not. 

"Good to hear that. You are a performer now. Wow. I didn't expect that." Me too, I didn't expect that.

"Oo, nakakagulat nga eh. Ikaw? Anong trabaho mo? Kumusta ang negosyo niyo?"

"What business?" Nag-isip siya kung ano ba ang tinutukoy ko. Ganoon na ba karami ang business nila para hindi niya matandaan ang tinutukoy ko? "Ohh, iyong powerplant? Wala na 'yon."

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Nabaon kami sa utang. Iyong planta ang ginawang pambayad." Hindi ako nakapagsalita. Marami talagang nangyari sa loob ng limang taon.

"Sayang lang iyong planta niyo, malaki ang kita noon kung napalago niyo." Naalala ko tuloy ang hitsura ng planta nila.

"Hindi naman sayang. Okay na din 'yon, kung hindi naging bayad utang ang planta baka hanggang ngayon ay patuloy pa din sa pagsusugal si Papa." Tumawa siya sa sinabi.

"Kung sabagay," dumating ang order namin at isa-isa itong nilapag ng server sa lamesa. "Thank you."


Malaki ang ngiti ko sa server. Naging katulad niya rin ako noon. Nakakatuwa lang balikan ang mga alaala ko dito. Kahit pagod sa pag-aaral ay nakangiti pa ding nagtatrabaho. Ang mga kulitan at kwentuhan naming magkakatrabaho... ang kaharutan ni Tyrone sa counter kapag may mga chicks na costumer. 



"I watched your interview with Tati." Ngumiti siya.

"Salamat sa panonood."

"I heard Ian invited you for her birthday party tomorrow." Oh, nasabi na ng girlfriend niya sa kaniya. 

"Ah, oo. Ipinakilala siya ni Tati sa akin pagtapos ng interview."

"Ian is a fan of yours she even went to your musical the last time. She really enjoyed it." Ako naman ang ngumiti ngayon. I am beyond grateful to those people who really appreciate me as a performer. 

"Nabanggit nga niya sa akin iyon noong ipinakilala siya ni Tati sa akin." 

"Tomorrow is her party, may kasama ka ba na pumunta?" I shook my head and sipped on my frappe. I even cut a small piece of cheesecake to eat. 

"Wala, ako lang mag-isa ang pupunta." He did the same. He sipped his black coffee, cut a small piece of his cake and ate it.

"Where is Eon by the way?" Oo nga pala, ang kapatid ko. Hindi niya pa rin ako tinatawagan hanggang ngayon. Should I let him do whatever he wants? Should I follow Saiya's advise?

"He's still in America, studying." Tumango-tango siya. Natahimik kaming dalawa, wala nang masabi sa isa't-isa. Actually marami akong gustong itanong o sabihin pero alam ko namang wala akong karapatan na gawin iyon.

"There is something I want to ask of you, Rence." Kumunot ang noo ko. "Would you be my date tomorrow?" Mas lalo pang kumunot ang noo ko. 

"What do you mean?" Ano bang sinasabi niya? May girlfriend siya tapos ako ang gusto niyang maging date bukas at sa birthday party pa mismo ng girlfriend niya! Oh my God!

"I'm asking if you want to be my date for Ian's party." Sunod-sunod akong umiling, hindi makapaniwala. I can't believe this! 

"No, Seis. I don't want to be your date. I can go there without anyone by my side. Isa pa, hindi ko gusto maging kabit." Tumayo ako at iniwan siya doon. Nasa parking lot na ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. 



Nagmamadali kong in-unlock at binuhay ang kotse. Nasa harap ng kotse si Seis, mukhang may sasabihin pa siya pero ayoko nang marinig iyon. Inatras ko ang kotse papalabas ng parking at saka ako nagmaneho paalis doon. 

Bakit ba kasi pumayag ako na mag-coffee kasama siya? Jeez, Rence! You should've known better. Gusto niya ba ako maging third party ako sa relasyon nila ni Ian? No way! Hinding-hindi ako papatol sa taong may karelasyon na. Ayokong pati ako ay matulad kay Mama na nagmahal sa maling tao.

Hindi ko alam kung bakit pagod ako bitbit ang mga pinamili habang papunta sa hotel room ko. Hindi naman ako masyadong nag-aksaya enerhiya sa paglilibot sa Mall. 



"Eon?" Bungad ko nang makita ang kapatid na nakahamba sa pintuan. "What are you doing here? You shouldn't be here. Hindi pa tapos ang klase mo."

"It's fine, Ate. My professors told me that it's okay. I can take my exams through online." Itinapat ko ang card sa keycard lock. Nauna akong pumasok at sumunod naman siya.

"Ang thesis mo? Hindi pa tapos iyon ah?" Inilapag ko ang mga binili sa sofa. "Do you want something to drink?" 

"Just water." Pumunta ako sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Sinulyapan ko ang kapatid, tiningnan niya muna ang buong sala bago naupo sa isa sa mga sofa. "Nag-shopping ka?"

"Ah, oo. Susuotin ko 'yan bukas sa party." Iniabot ko sa kaniya ang isang baso ng malamig na tubig. "Kailan ka pa umuwi dito?"

"Kanina lang." 

"Where's your things?" Tanong ko nang mapansing wala siyang dalad-dala.

"Nasa hotel." Uminom siya ng tubig. Kahit hindi ko man sabihin, kamukhang-kamukha ni Papa si Eon. Mas lalo siyang tumangkad at lumaki rin ang katawan. 

"Sana ay dito ka na lang," umiling siya. 

"Hindi naman ako magtatagal dito sa Manila, Ate. Pupunta na ako ng La Cresta sa susunod na araw." I sighed, hindi pa din nagbabago ang isip niya. Desidido talaga siya sa gusto niya. 

"Ikaw lang mag-isang pupunta doon?" Kunot noo kong tanong.

"Nope. I'm with Kuya Rio." Ahh, mabuti naman. "Ayaw mo talagang sumama?" 

Umiling ako, "Not now Eon. Just like what you've said, I need to accept myself first." 



Eon smiled at me and I smiled back. I've been running round for the past years hating where I came from and myself being the daughter of my father. Hindi ko binigyan ng pagkakataong intindihin ang lahat nangyari dahil masyado akong naging bulag, nabulag ako sa sakit na nararamdaman. My heart got wounded from pain of the truth, that I am a illegitimate child. I left it without taking care of it. Now I think I need to heal that wound brought by my family. I can't run around forever like this.

TilaWhere stories live. Discover now