Kabanata 8

160 9 1
                                    

Mulat na mulat ang mga mata ko habang nasa byahe, ganoon din si Isobelle na kasalukuyang nakaharap sa cellphone niya. Malalim na ang gabi at tanging ilaw na lamang ng mga poste sa gilid ng kalsada ang buhay. Medyo nakalayo na kami sa Manila, malayo na sa polusyon at ingay. 

"Matulog ka muna, Rence." Ani Isobelle na nakatingin na pala sa akin.

"Hindi ako inaantok," hindi ko alam kung bakit. Hindi ako dinadapuan ng antok kahit na nakasandal na ako sa bintana ng van at mahinang kumakanta.

"Ako din eh, naparami yata ako ng kape kanina." Ngumisi ako, "Paniguradong magugustuhan mo doon sa La Cresta. Mahilig ka ba sa kabayo?" 

Umiling ako, "Hindi eh."

"Sa ngayon hindi ka pa mahilig, once na magpunta tayo sa Hacienda ay makikita mo. Baka hindi ka na umuwi ng Manila at manirahan na lang doon." Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Isobelle.

Ganoon ba talaga kaganda ang La Cresta na sa pananalita pa lang ng pinsan ko ay alam na niyang mas pipiliin ko doon kaysa sa kinalakhan ko? At saka Hacienda? May Hacienda ang mga Belmonte? 

May bakas ng karangyaan kay Kuya Rio noong una ko pa lamang siyang makita pero hindi ko inaasahan na ganito kagrabe. Hacienda? Hindi basta-basta nagkakaroon ng ganoon ang isang pamilya kung hindi sila mayaman noon pa man, hindi biro ang pagkakaroon ng isang malawak at malaking lupain sa isang probinsiya. Ibig sabihin, sa madaling salita, mayaman ang pamilyang Belmonte. 

Kami lang ang hindi.

"I'll lend you my other horse. His name is Alfie, regalo siya sa akin ni Papa noong first birthday ko so basically magkasing-edad kami." Aniya pa. Kabayo? Regalo sa first birthday mo? Grabe! Ang mahal noon!

"Hindi naman kailangan, Isobelle." Tanggi ko, nahihiya at saka hindi naman kasi ako marunong sumakay sa kabayo at kontrolin ito upang tumakbo.

"You need a horse, Rence. It's important to us to have a horse. In the mean time, I'll let you ride Alfie." Nakangiti niyang sabi. 

"I'll buy you one once we get there, Rence." Singit ni Kuya Rio, "Make sure to take care of him." 

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Hindi ko alam ang eksaktong presyo ng isang kabayo pero sa tingin ko ay mahal ito. Hindi ko kayang gumastos ng ganong halaga ng pera para lang sa kabayo!

Nakaramdam din ako ng antok, sa wakas. Nagising na lang ako nang marahan akong tapikin ni Eon sa pisngi. Aniya'y nag-stop over kami sa isang gasoline station. Pagkalabas ko ng van ay bumunga sa akin ang haring araw.  Matayog na ang sikat nito ngunit hindi naman masakit sa balat.

"Nasaan na tayo?" Tanong ko kay Seis na may hawak na cup. 

"Nasa Dipaculao pa lang tayo." Kumunot ang noo ko, hindi ko kasi alam kung saan banda iyon? 

"Malayo pa?" Tumango siya habang iniihipan ang bukana ng cup na hawak niya saka humigop doon. "Bakit hindi pa tayo umaalis?" 

Nakatigil kasi sa parking lot ng gasoline station ang van. Tapos na naman siguro itong kargahan ng gasolina. Sa 'di kalayuan ay naroon sina Kuya Rio, Loqui at Isobelle. Naguusap-usap sila sa kung ano.

"Hinihintay pa kasi si Jako, kasunuran lang pala natin siya." Sagot niya. "Pinsan niyo 'yon, kapatid ni Isobelle." 

"Ah, saan siya galing? Sa Manila din ba?" Usisa ko. 

"States." 

Hindi na ako nag-usisa pa kay Seis tungkol sa pinsan naming hinihintay. Nagtanong-tanong na lang ako tungkol sa mga lugar na madadaanan namin. Halos mag-iisang oras din kaming naglagi sa gasoline station na 'yon, mabuti na lang may katabi itong kapihan at agahan. Doon na kami kumain at nagpalipas ng oras. Bumalik kami sa van pagtapos kumain dahil nag-text na daw si Jako na malapit na.

TilaWhere stories live. Discover now