Kabanata 32

142 8 0
                                    



"Elonzo!" Sigaw ko dahil sa narinig. Nasa harap naming magpipinsan ang mga Del Ruiz. Napayuko ang babae dahil sa sigaw ko. Hindi ko na napiligan at lumapit na ako sa kapatid ko.

"Rence!" Tawag ni Kuya Rio sa akin ngunit hindi ko pinakinggan. 

"Halika dito," hila ko sa kapatid ko pero hindi siya sumunod. "Elonzo." 

"Miss, hindi niyo pwedeng siyang kunin sa amin." Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. Kahit maskulado pa ito ay hindi ko siya uurungan.

"Anong hindi? Kapatid ko 'to, ako ang nagpalaki at nagpaaral dito. Wala kang karapatang pagsalitaan ako na hindi ko siya pwedeng kunin sa inyo. Bakit? Ikaw ba nagluwal sa kapatid ko?" Masungit kong tanong. Hinila ko ulit si Eon ngunit hindi ulit siya natinag, "Isang hila ko pa ulit Elonzo at hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo." 


Sa huli ay nagpatianod ang kapatid ko sa akin. Dinala ko siya sa mga pinsan namin. Agad siyang dinaluhan nina Isobelle at Aura. 


"Narinig niyo ang sinabi ko. Kailangang maikasal ni Eon sa kapatid namin." Nilingon ko ang nagsalita. Nahihibang na ba sila? 

"Sino ka para magdesisyon niyan? Kapatid ka ba ni Eon? Kung hindi, tumahimik ka na lang." Nangigigil talaga ako, nagpantig ang tainga ko dahil ipapakasal daw nila si Eon sa kapatid nila. Doon sa babaeng nakabestida.

"Huwag niyo ho kaming subukan," sabi naman noong isa na mukhang manok dahil sa buhok na pula. 

"Huwag niyo din akong subukan. Kapatid ako ni Eon. Ako ang magdedesisyon kung ikakasal ba siya o hindi. Saka hindi ko nga kayo kilala tapos pupunta kayo rito na parang sa inyo itong hacienda. Umalis na kayo, wala kayong mapapala sa amin." Nag-igtingan ang mga panga ng mga lalaki na 'kala mo'y susugod sa amin.

"Magpatawag kayo ng mga guard. Palabasin sila dito." Utos ni Kuya Rio sa mga pinsan ko na agad namang nag-dial sa cellphone nila. 


Tahimik kaming pumasok sa loob ng mansyon nang masiguro naming nakaalis at nakalabas na ng hacienda ang mga Del Ruiz. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong umuwi si Eon dito, hindi niya gawain ang magtext sa akin kaya wala akong ideya. Inaalala ko ang sinabi noong lalaki na mukhang nakakatanda sa kanila.


"Kailangang ikasal ni Eon at Antoinette sa lalong madaling panahon." 


"Ano bang nangyari Eon?" Tanong ni Isobelle na ngayon ay nag-uumpisa nang kumain. Hindi pa pala kami nag-aagahan. 

"Let's not talk about this right now, Belle. We should eat first." Ani Kuya Rio. 


Pasimple kong sinusulyapan si Eon na tahimik na kumakain. I wonder what he did to that girl to made them think that they should both get married. S'yempre hindi ako papayag. Ang alam ko ay may girlfriend si Eon sa ibang bansa. I didn't meet her but I know. Eon's friends told me. 


"Kumain ka muna, Rence." Napatingin ako kay Seis na naglalagay ng pagkain sa plato ko. 


The breakfast went well, may kaunting interaksyon ngunit hindi pa din nakakamove-on sa nangyari kanina. Lahat sila ay pumunta sa sala, doon sana pag-uusapan kung ano bang meron pero nagsabi ako na kami muna ni Eon dalawa. 

Nakaupo siya sa inuupuan niya kanina at ako naman ay nakatayo. Wala siyang imik kaya ako na ang nagsalita.


TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon