♬1. The music in me

122 5 0
                                    

What is music for you?

Narinig ko yan na tanong ng isang judge sa isang estudyanteng nag audition. Nasa taas na siya ng stage at nakaharap sa mga judges at sa aming nanonood. Tinignan ko yung babaeng nakangiti lang.

"Well the music I listen too is who I want to be. My inner character." the girl said. Tumango tango lang yung mga judges na nasa harap niya. Sa tutuusin, madali lang naman sagutin ang what is music for you? Pero dahil sa dami ng sagot ng magulang ko sa katanungan na yan halos wala na akong maisip.

After niya kumanta, sumunod naman yung isang lalaki. Same question.

"For me music is an escape when you're jailed in problems." Tama siya. Ang musika din ay ang tangi kong paraan para makaiwas sa problema pero ito din ang dahilan para malungkot ako.

Nakasandal ako sa upuan at halos ilubog ko na ang sarili ko doon. Kanina pa ako nakaupo at talagang nakakangalay na. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Lumapit sa akin si mark ang secretary ni kuya hero. Inabutan niya ako ng tubig dahil sa pag senyas ko. Seryoso ko lang siya tinanguan. Habang umiinom ng tubig ay lumingon ako sa isang banda. Natigil ako sa pag lagok ng tubig dahil may nakatingin sa akin.

Dahan dahan kong binaba ang bote ng tubig at pinag kunutan ang lalaki. Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. Napatingin pa ako sa likuran ko Pero wala naman tayo sa part ko. Tanging ako lang. Sa akin ba siya nakatingin? Napaikot ang mata ko sa naisip ko. Malamang! Ako lang andito eh!

Sinalubong mo ang tingin niya. Naglabanan kami ng tinginan. Napangisi ako ng siya ang unang umiwas. Pero nawala din ang ngisi ko ng kaya pala naputol ang titigan contest namin ay may babaeng kumalabit sakanya. May sinabi ito sa lalaki at mukhang kilig na kilig.

Tinignan ko ang kabuuan ng lalaki. Matangkad, sakto lang ang katawan pero halatang bata pa. Teenager pa ang itsura Pero ang height my God! Makapal ang buhok niya na medyo tumatakip sa mata niya. Mula sa pwesto ko at sa patagilid niya habang kausap ang isang babae. Kita ko ang matangos niyang ilong at may kakapalan na labi. Kitang kita din ang dimple niya sa pag ngiti sa babae.

Fine! In short, isa siyang gwapo! Napangiti ako ng maisip kong ngayon Lang ata ako na-attract sa physical appearance. Napaayos ako ng upo ng muli siyang mapatingin sa akin. May sinasabi siya sa babae Pero nakatingin na siya sa akin. Kumunot ang noo niya habang nag sasalita. Napaikot ang mata ko at nag iwas ng tingin ng halikan ng babae ang pisngi niya. Kinuha ko nalang ang phone ko at hindi na muling tumingin sa part na yun. Kung kailan naman mag kakatipo ako ng lalaki, May girlfriend pa!

Madami dami pa ang nag audition and at last. Eto na ang pinaka huli. Gusto ko na din kasi umuwi, ewan ko ba kay kuya hero at kailangan ko daw mapanood ang audition na to.

I saw a very good-looking guy walking and face the judges. Akala ko siya lang pero mukhang banda sila. Hindi ko maitatangi na may mga itsura sila, pero hindi naman yun ang hinahanap dito eh. Yung galing sa music, sa emotion ng pag kanta at sa kaalaman mo sa musika. Mukha namang na excite tong mga bwisit na judges except kay kuya hero na seryoso lang palagi. At dahil isa lang naman akong babae, isa ako sa nag kainteres sa grupo. Napaayos ako ng upo at tinitigan ko sila isa-isa. Hindi maitatanggi ang kagwapuhan nila.

Please. Be good. Be the best. Sana magaling kayo. Impress me. Mahina kong sabi sa sarili ko habang pinapanood ko silang ayusin ang mga hawak nilang instrumento. And there's the question again.

"What is music for you?"

"It puts me in so many different moods. it can make me really happy when I'm sad or sad when I'm really happy but it is pretty much my life I couldn't live without it." Sabi nung nasa may hawak ng bass guitar. Mukha siyang jolly na tao. Smiling face eh. Nakakahawa ang ngiti niya at hindi ko napigilan ang munting ngiti sa labi ko dahil tama siya sa sagot niya. I couldn't live without music as well.

HeartstringsWhere stories live. Discover now