♬ 37 Thunder

18 1 0
                                    

Nakasimangot akong sinundan ang dalawa kong ka trabaho si tyron at gia. Kaming tatlo ang magkakasama na itinoka ngayon sa pagpunta dito sa concert. Actually andito din ang iba pa naming pitong kasama pero ibang artists ang sakanila. Kaming tatlo naman ay sa demain band. Si tyron at gia lang ang kasama ko.

Pinakita namin ang concert pass namin. Pinapasok kami sa backstage. Hinahanap namin ang demain band. Habang patagal ng patagal ay lalo akong kinakabahan. Makikita ko na ulit sila. Makikita ko na ulit siya.

Hindi sana ako sasama pero pinilit ako ng mga kasamahan ko. Ayoko namang dagdagan pa ang usap usapan sa company about sa akin kaya napilitan na akong sumama. Tinignan ko muli ang suot ko, I am just wearing a taupe skirt with small plits on the side, ankle boots with 2inches heels, white sleeveless and I topped it with color black cardigan. Is my outfit okay? Do I look good? Shocks! Kinakabahan ako ng sobra! I should've get nervous right? Wala akong kasalanan.

May nakita akong kinausap ni tyron. Nasa isang tabi lang kami ni gia. Bumalik si tyron sa pwesto namin.

"Demain band na ang susunod na kakanta. Doon tayo sa side ng stage kung saan sila mag exit para makausap natin sila after ng performance nila." Sabi nito at nauna na sila ni gia umalis. I fixed myself once again bago ako sumunod.

Kaya kami andito ay para makausap ang demain band na gustong makipag meet ni kuya hero sakanila at may gustong I-offer si kuya hero na hindi nila matatanggihan. Alam ko kung ano ang I-ooffer niyang yun. Walang iba kundi ako. Akala ba ni kuya hero eh papayag ang demain band ng dahil sa akin?

Base sa survey namin. Hindi nakikipag meet sa mga record labels ang demain band. Kahit nga mismong record labels ng company ng perkins ay hindi sila nagpahandle. Sa pamilya yun nila Jesse at Christian ah. So how much more sa Grande? Imposible talaga! At dahil choice ko ang maging isang normal at mababa ang posisyon na empleyado. Ito ako at makikita muli ang lalaking nagwasak ng puso ko, ng buhay ko.

Malakas ang hiyawan ng mga tao. Kahit nasa backstage kami nakikita namin ang mga nagkakagulong fans lalo na ng lumabas ang demain band. Tila tumigil ang pag tibok ng puso ko kasabay ng paghinga ko ng makita ko sila, siya.

Si Jesse at tumatalon talon at kumakaway sa mga nanonood. Si Ivan ay nakangiti at sumaludo pa bago umupo sa harap ng drum set. Si Christian ay nakatayo malapit kay jesse at kumaway sa mga fans habang malaki ang ngiti. At siya...

Siya na tipid na ngumiti sa fans bago kinuha ang electric guitar at tinipa tipa iyon. Tinotono ang gitara. Habang ginagawa niya yun ay hindi mag tigil ang bilis ng tibok ng puso ko. He closed his eyes kaya ako napaiwas ng tingin sakanya.

"Good evening everyone!!!! We missed you all so much!!!" Sigaw ni Jesse sa mic. Nagsigawan ang mga fans.

"For the first set. This is everyone's favorite I know. But this is also reed's favorite because it's dedicated to the only woman he forever love. Right reed?" Tumingin si Jesse kay reed na napailing na umiwas ng tingin. May mga sinabi pa si jesse sa mga nanonood. I pursed my lips para pigilan ang pag ngiti. Why does he look cute? Parang bata na nahuling may ginawang kasalanan. Napailing ako.

Jazz, you're mad at him remember? Ano? Nakita mo lang siya napatawad mo na agad? He gave you so much pain, stupid!

"Sabayan niyo ko ha? Let's do some pop, rock and jazz... In 3..2..1!" Pagkabanggit ng jazz ni Jesse ay nakakalokong tumingin ito jay reed. Saka nag simulang tumugtog ang banda.

Kasabay ng una nilang pagtugtog sa mga instruments nila ay lalong nag pabilis sa tibok ng puso ko.

Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go
Whoa (whoa)
Today in the blink of an eye
I'm holding on to something and I do not know why
I tried

HeartstringsWhere stories live. Discover now