♬ 33 Like we used to

18 1 0
                                    

Nagising ako na nakaramdam na naman ng lungkot. Simula ng umalis si tito Dennis at tita thea ay puro kalungkutan ang nararamdaman ko. Ito na naman ako, mag isa na naman sa buhay. Binabalot ng buong kalungkutan ang apartment. Tahimik, madilim, mabigat sa pakiramdam.

Nang mag simula ang class sa Julliard. Pinilit ko ang sarili ko na doon mag focus. Ilang buwan na akong nag aaral doon at may mga nakilala na din na students tulad ko. Pero hindi na ako tulad ng dating jazz na nakikipag kaibigan.

Iniwasan ko ang mapalapit sa kahit na sino. Iniwasan kong magkaroon ng kahit isang kaibigan. Hindi ko pinansin ang mga usap usapan sa school na masasamang bagay tungkol sa akin.

Noong una, nasasaktan ako. Pero kalaunan ay nasanay na din dahil alam ko namang hindi totoo ang sinasabi nila. Walang bullying na nangyari dahil hindi ako malapitan ng mga students. Sa pag aakalang maldita ako at anak ng isang mayaman na business tycoon sa Asia kaya ganito ang ugali ko.

Matapobre, hindi namamansin, seryoso at hindi marunong ngumiti, madaling mainis dahil sa mga masasama kong tingin. Dying hard achiever, competitive bitch, suplada at kung anu-ano pang masasamang ugali.

A cold hearted bitch yun ang mismong tawag nila sa akin or kung hindi naman ay Julliard's Ice Queen. Napailing nalang ako sa mga pet name nila para sa akin.

Pag pasok sa school ay students na mismo ang tumatabi para makadaan ako. Hindi ako nag paapekto. Tulad ng dati ay poker face lang ako papunta sa designated hall ng music department.

Pag dating doon natahimik ang mga classmates ko sa pang umagang session. Dumeretso ako sa isang tabi at binuksan ang violin na dinala ko.

Isa pa ito sa issue sa akin sa school na to. Lahat ng binigay ni tito Dennis noon sa akin at mga mamahaling instruments na may pinaka-kilalang brand sa mundo. Dahil akala nila lahat ng dinadala kong instruments ay mga mahal, Akala nila ay mayaman ako. Kahit na nga alam nilang scholar ako ng Julliard hindi nila naisip na kaya ako scholar kasi hindi ko afford ang school na to. Pero ang alam nila kaya ako scholar ay dahil magaling ako.

Dahil laging nagdadala ako ng sarili kong instruments. Pakiramdam nila ay masyado akong maarte. Hindi man lang daw ako tumutugtog sa instruments na provided ng school. Hindi ko pa din kasi ginagalaw ang piano dahil Wala naman ako pagkakataon na tumugtog doon at hindi dahil sa ayoko.

Marami akong narealized sa kalahating taon na wala ako sa sariling bansa na kinalakihan ko.

Una, kailangan mong magpakatatag dahil nag iisa ka na lang. Wala kang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo lang.

Pangalawa, ang mga tao ay napakadaling mag bitaw ng masasakit na salita at pag isipan ka ng kung anong gustong paniwalaan nila.

Pangatlo, ang mundo ay puno ng panghuhusga at inggit. Lalo na dito sa school. Lahat ng bawat galaw ng isa't isa akala mo isang competition.

Pang apat, kailangan mong mag sikap. Hindi porket may tumutulong sayo ay aasa ka nalang. May mga bagay na kailangan mong pag trabahuhan.

Pang Lima, hindi sagot ang pagpunta sa ibang bansa para makalimot. Oo nakakatulong na makapag move forward ka sa buhay. Pero ang paglimot sa problema at sakit na iniwan mo sa isang lugar dala dala yun ng puso't isipan mo.

"Good morning students. For next month we have an orchestra play for the fundraiser in LA. I already have the piece here with me. We will select people today if which instruments you need to be assigned." Announce ng isang prof sa Julliard.

Nag flash nga sa malaking vtr ang music piece. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. I need to maintain my status. The ice queen. Gusto ko din naman yun. Cool pakinggan. Very intimidating. Mas mabuti na din dahil nakatulong ang reputasyon ko sa school na to para walang lumapit sa akin. Para walang makipagkaibigan.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon