♬17 Live your story

20 1 0
                                    

"Excited na ko para bukas!!"

"Truly! This is a first for us!"

"Diba? Imagine we will perform together on stage!"

"Dati iniimagine ko lang na mag perform as a band on stage! Ngayon it'll happen na!"

"For sure, ang cool natin bukas!"

Nakikinig lang ako sa kwentuhan ni lyka at alexa. Habang ako ay nililigpit ang mga notes ko. Si raine naman ay nasa kwarto at namimili ng damit daw niya bukas.

Nakapili na si lyka at alexa ng damit nila. Nakapili na din ako. Pupunta kami ngayon sa isang music room na nakaschedule sa amin mamaya for our final practice.

"Tapos na ako! Pwede na tayo umalis!" Sabi ni raine kaya naman pumunta na kami sa practice room.

Nag ensayo lang kami for 2 hours dahil yun ang binigay sa amin na oras. Madali lang maturuan ang tatlo dahil marunong naman sila sa mga instruments na hahawakan nila. Pinalitan namin ang dapat na classical opera performance namin. Dapat ay sa piano ako, violin kay Alexa, viola kay lyka at cello kay raine. 

Matapos ang unexpected sleep over namin ni reed sa old building ay nakapag desisyon ako na palitan ang performance. Naisip ko kasi na hindi mag wowork sa amin ang classical music na mag magkasama dahil hindi komportable ang tatlo kaya naman ako na ang nagsabi na kailangan palitan namin ang performance. Noong sabihin ko sakanila yun ay 2 weeks nalang performance na. Medyo alanganin sila pero nang mapakinggan nila ang original composition ko ay nagustuhan nila ito at sinabing mas gusto nila ang ganoon.

Naka-pick na din ng number namin for performance at sa unang araw ng performance kami tutugtog hindi tulad ng demain band na sa pangalawang araw sila. Excited na ako para bukas dahil ito ang unang beses na mag peperform ako na kasama ang mga kaibigan ko at ganun din sila.

"Okay lang ba?" Tanong ko sakanila ng matapos ako mag bihis.

Sinipat nila ang outfit ko, mulo ulo hanggang paa. Nakita ko ang pag ka-disgusto sa mga mukha ni lyka at alexa. Si raine naman ay busy pa sa pag aayos ng buhok niya pero napansin ko ang pag ngiwi niya.

"Wala ka na bang ibang damit ate? Dapat medyo matchy tayo para hindi masakit sa mata." Tumango tango si lyka kay Alexa.

"Yes! We need to look cool din!" Napabuntong hininga ako sa sinabi nila.

"Ta-da!!" Tumingin kami kay raine nang sumigaw siya.

Hindi gaya ko kanina, sobrang laki ng ngiti ni Alexa at lyka dahil nagustuhan nila ang outfit ni raine at ang ginawa nitong blond sa buhok.

"Now our only problem is ate jazz." Tumingin silang tatlo sa akin at napangiwi sa suot kong pants, converse shoes at over-sized shirt. Napatingin naman ako sa sarili ko.

"We still have 30 mins. Let's do 20 para di tayo ma-late before they close the door." Sabi ni raine at hinila na ako papunta sa kwarto.

Pinaupo niya ako sa tapat ng vanity mirror at sinipat sipat ang mukha ko saka siya tatango tango. Sinuklay niya ang buhok ko at mamaya maya ay pumasok na din sa kwarto si lyka at alexa na may dalang mga damit.

Hindi na ako nag reklamo pa dahil alam kong namang kumpara sa suot nila ngayon ay out of place talaga ako. Para nalang din sa performance kaya papayag akong mag suot ng gusto nila.

Ilang beses akong nag suot ng damit. Nakisali na din si raine at kumuha ng damit sa cabinet niya. Tumingin ako sa oras dahil lumipas na ang 10 mins hindi pa din sila nakakapag decide ng damit ko. Mukhang napansin din nila ang oras kaya lalo silang nataranta. Hinilot ko ang ulo ko dahil nahihilo ako sa ginagawa nila.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon