♬ 34 Points of view

17 1 0
                                    

"Jazz, come on. What is it?"

" Nothing, addy.."

Magsasalita palang sana si addy pero pumasok na ako sa designated room ko. Matapos niya akong makitang umiyak last weekend ay nag kulong lang ako sa kwarto. Hindi ko siya pinag buksan ng pinto hanggang sa makaalis siya.

At ngayong weekdays ay kinukulit niya ako kung anong nangyari? Bakit ako umiyak? I can't tell her that. Paano ko sasabihin? Paano ko uumpisahan? God knows, I need someone to talk too pero paano kung isa na naman si addy sa mga taong pagkakatiwalaan ko pero yun pala nakaplano na na lapitan at kaibiganin ako? Like what happened from the past.

Natapos ang buong araw na walang addy na nangungulit sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa trabaho ko sa music store at nag paka-busy na naman. Pinagod ko ang sarili ko hanggang sa makauwi sa apartment. Umaasa na makatulog na ako ng maayos katulad ng mga nakaraang buwan.

Pero dahil sa isang kanta, hirap na naman ako. Maya't maya ay iniisip ko ang kantang iyon. Para sa akin ba yun? Para sa ibang babae? Come on jazz! It's be 2 years and a half. I'm sure he found new girlfriends nang makalabas siya ng academy right?

Pero ang isiping yun ay lalong nag paisip pa sa akin. Pabagsak akong umupo sa couch ng living room at pinatugtog ang kanta ng demain band na Ilang ulit kong pinapakinggan.

Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak na naman. Bakit? Bakit hindi maalis yung sakit ng puso ko? Bakit patuloy pa din akong nasasaktan? Akala ko ay okay na ako pero ano na naman ito? Nang dahil lang sa isang kanta. Sa kantang siya mismo ang gumawa nag kakaganito ako.

'I promise all the songs that I will composed will always be for you..' Yan ang naalala kong pangako niya sa akin noon. Is it really for me? But if it's for me. Anong yung lalaking kasama ko? Sino yun? I never ever entertained anyone kahit pa may mga lumalapit at nagtatangka. I told them I'm lesbian para tumigil na sila.

"Hey jazz." Napasinghap ako sa gulat ng may tumawag sa akin.

Mabilis akong nag punas ng mukha. Pinatay ko ang music mula sa phone ko at inayos ang sarili ko.

"What are you doing here?" Tanong ko kay addy at pumasok sa kwarto. Sinundan niya ako.

"I came here since after school hours. I waited for you. Alam kong may problema ka. Come on jazz. Please let me help you. Talk to me maybe it can lessen the pain you have right now. Sabi ni mom sa akin, i need to let go whatever it is inside me. If I'm happy, I let it out. If I'm sad, I get sad. Huwag ko daw kimkimin dahil pag naipon ng naipon ay hindi daw maganda ang kakalabasan" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakapag salita. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"I bought wines and I will prepare chacurterie board. If you wanna talk about it you can come and join me." Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Namumugto ang mata ko at halatang halata na may problema. Namumula ang pisngi at ilong. Pumikit ako at huminga ng malalim. Pag tingin ko muli sa reflection ko ay ganun pa din. Ang malungkot na jazz pa din ang nakikita ko.

Kumuha ako ng damit at nag palit. Napatango ako at napagdesisyunan na kausapin na si addy. Totoo man siya sa akin o hindi so be it. Baka may payo din siya sa akin na kahit papaano ay makatulong sa akin. I can't do this anymore. I need to let it out. Ilang taon ko na tong kinikimkim.

"Here.." Inabot niya sa akin ang wine glass. Tinanggap ko yun at umupo sa couch.

Mahabang katahimikan. Walang nag sasalita sa amin. Parehong nag papakiramdaman. Tumingin ako sakanya. Nagulat pa ako dahil mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin at hinihintay akong mag salita. Huminga ako ng malalim at uminom ng wine.

HeartstringsWhere stories live. Discover now