♬23 Coffee in bed

21 1 0
                                    

Weeks have gone passed at wala na akong balita kay Mr. Grande. Mabuti na din yun dahil hindi pa ako handang makita siya ulit. Alam kong tinakbo siya sa hospital dahil sa usap usapan sa academy na may ambulance na dumating.

Bagot na bagot ako nitong mga nakaraang linggo. Individual ang magiging performance namin sa buwan na to. May naisip na akong gawin kaya wala akong gana na mag practice.

"Hoy!!" Sigaw ko sa kung sinong nag takip sa mata ko.

"Guess who.." Natigilan ako dahil nabosesan ko siya.

"Kuya hero!" Pagkasabi ko ng pangalan niya ay binitawan niya ang pagtakip sa mata ko.

Humarap ako sakanya at dinamba siya sa yakap. Natatawa naman niya akong ginantihan ng yakap. Hihiwalay na sana siya sa yakap pero lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.

Hindi ko na din napigilan na umiyak. Mahina akong humikbi sa dibdib niya. Sa pag kamiss ko sakanya ay hindi ko napigilan ang emosyon ko. Ang tagal ko siyang hinintay. Ilang linggo ko siyang hinintay.

"Jazz, students are watching us.." Bulong niya sa akin. Umiling ako sakanya.

Wala akong pakialam sa mga nakakakita. Namiss ko si kuya hero at sobrang nag alala ako sakanila ni ate aimee. Isa pa, noong confrontation namin ni Mr. Grande ay wala siya. Gusto kong mag sumbong sakanya at mag labas ng sama ng loob. Nakahinga ako ng maluwag dahil bumalik na ang kakampi ko.

Kung sino man ang mas nakakaintindi sa akin. Si kuya hero yun. Alam niya ang Pinag daaanan ko sa nakalipas na tatlong taon. Alam niya ang pag hihirap ko. Kaya ito ako, parang batang nakayakap sa tatay niya at nagsusumbong.

"Okay, can you atleast walk sideways?" Tumango ako sa tanong niya. Inalalayan nga niya akong maglakad pakanan habang yakap yakap ko pa din siya.

Mamaya maya nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto. Huminga siya ng malalim at mahigpit akong niyakap. Doon ko ulit binuhos ang luha ko na hindi ko maipakita kay reed at sa mga kaibigan ko. Ayokong madamay sila sa magulo kong buhay. Alam ko din naman na sobra silang nag aalala sa akin lalong lalo na si reed.

"Hey.. It's okay. Andito na ako. I'm sorry I left all of a sudden. May ginawa lang na sobrang importante." Sabi niya at hinaplos haplos ang ulo ko.

Doon ako natigilan at bumitaw na sakanya. Pinunasan ko ang luha ko. Nakangiti siyang tinulungan ako sa pag ayos sa buhok ko.

"Mas importante pa sa akin?" kunwari nagtatampo kong tanong sakanya. Napangisi siya at tumango.

"Napakasama mong pinsan, Alam mo ba ba yun? You left me with that old man!" Natawa siya na ipinagtaka ko. Inabutan niya ako ng panyo. Sumimangot ako sakanya at nagsinga ng malakas kaya napatigil siya sa pagtawa.

Umupo ako sa teacher's table. Nandito kami sa isang room. Hindi ko pa napasok ang room na to siguro sa ibang class.

"I heard what happened. Dad found me and told me to come back home. Lolo and I already talked." Lalo akong sumimangot.

"So, best friend mo na siya ganun? Kaya masaya ka? TSS." Pinakita ko sakanya ang pag kairita ko.

"Sira! Hindi yun. Well, part of it. But that's not the reason why I'm this happy." Hindi ko siya tinignan. Bahala siya dyan!

"Didn't you notice anything in my hand, Jazz?" Pinakita niya ang kaliwang kamay niya sa akin. Ginalaw galaw pa niya ang mga daliri niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan maigi. Saka ako tumingin sakanya na gulat na gulat. Lalong lumaki ang ngiti niya sa akin dahil alam ko na ang importanteng bagay na sinasabi niya!

HeartstringsWhere stories live. Discover now