♬36 Back to mine

22 0 0
                                    

Nasa mall ako ngayon para sana bumili ng mga stocks ko na strings. Nasa isa akong sikat na music shop na rhythm and blues na pag mamay ari ng pamilya ng mga Perkins. Napatitig ako sa poster sa harapan nito. Tinitigan ko ang mukha nila, lalo na ni reed. Sinigurado kong matatagalan ko ang tingin niya pero inis akong nag iwas ng tingin dahil hindi ko kinaya. Ako din ang unang bumigay!

Jazz, it's just a picture! Paano nalang pag personal na? Nakasimangot ako sa naisip ko.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag hahanap nang mga kakailanganin ko. Bibili na din ako ng bagong capo dahil luma na yung akin. Bibili na din ako ng mga pick at iba't ibang strings.

Noong una ay walang nag a-assist sa akin pero ng makita nilang ang dami ng laman ng basket na hawak ko ay halos tatlo na silang nag a-assists. Napailing ako sa customer service ng shop na to. Kung siguro may contact pa din ako sa kambal at kay lyka isusumbong ko talaga sila.

Napahinto ako sa pag hahanap sa isang rack ng may marinig akong mga tsismisan at naging interesado akong pakinggan yun dahil narinig ko ang pangalan ng powerpuff at ang demain band.

"Hindi nga? Grabe naman pala ang mga demain band."

"Lalo na ang mga kapatid nila. Akala mo kung sinong mga artistahin. Given naman na magaganda at sexy sila pero diba! Pare-pareho lang naman tayong tao. Kung makapag mataas akala mo kung sino."

Napakunot ang noo ko sa panghuhusgang naririnig ko sa dalawang babae at isang lalaki. Bahagya ko silang sinilip na nasa loob ng glass cabinet ng shop. Staff din sila dito dahil na din sa suot nilang uniporme.

"Oo nga! Ibang iba ang image na pinapakita nila sa mga tao sa totoo nilang ugali."

"Yung si madam raine? Naku! Akala mo ay ubod ng bait pero hindi. Ni Hindi nga marunong ngumiti. Tapos si madam alexa at madam lyka? Ubod ng arte! Sobrang napaka-arte! Makapili sila ng pagkain grabe talaga. Tapos alam mo bang, mga bata palang sila pero ayun at may kanya-kanyang kalandian na!"

"Mayaman nga sila, maganda ang itsura, swerte sa buhay mga talented din. Pero ang mga ugali nila mga bulok! Mga ubod ng plastic talaga!"

"Hindi ko ineexpect na ganun ang ginawa nila sayo ng dahil lang sa nasira mo ang kwintas ni reed."

"Sinabi mo pa! Akala mo naman kung sobrang halaga ng locket necklace na yun. Eh hindi naman gold. Silver lang siya!"

"Ikaw naman kasi! Bakit mo kasi pinakialaman? Diba sinabi naman kasi sa atin doon na wag na wag papakialaman ang mga gamit nila. Lalo na kay sir reed dahil ayaw na ayaw niya yun. Eh pinasok mo ang kwarto eh. Tapos hinawakan mo ang paborito niyang necklace. Nahulog mo dahil sa pagkagulat dahil nadatnan ka niya. Syempre initial reaction ng tao magagalit. Nabasag mo ba naman yung locket. May picture pa naman daw yun sa loob. Malamang may sentimental value yun sa tao." Panenermon ng lalaki sakanila na kanina lang ay nakikinig.

"Eh mukhang hindi naman sakanya yun. Dahil hindi niya magulang at si raine ang nasa picture. Ibang tao."

Napasinghap ako sa narinig ko. Ang Pinag uusapan nilang necklace ay ang locket necklace na binigay ko kay reed noon. Na sakanya pa din? Pinapahalagahan niya ang kwintas na binigay ni papa sa akin?

Natigilan sila sa pag kwekwentuhan dahil napansin nila akong nakatingin na sakanila. Huminga ako ng malalim at lumapit sakanila. Nag katinginan at senyasan pa sila.

"Can I ask you something?" Tanong ko sa babae na siyang nakasira ng necklace.

"Y-yes ma'am?"

"The necklace that you saw from reed fontanilla. Does it have a music symbol on it?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Dahan dahan siyang tumango at mukhang mas lalong kinabahan.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon