♬6 Reed

52 3 0
                                    

Antok na antok ako habang nag lalakad papunta sa room na naka-assign sa amin ngayon. Napuyat ako kagabi. Tumambay lang ako sa old building at dun nag mukmok or should I say nag drama. Who wouldn't? Diba? Pareho nang wala ang magulang ko. Wala akong kapatid. Kaya malamang, maapektuhan talaga ako ng ganito. Ilang taon na, pero masakit pa din talaga.

Tamad na tamad akong nagising kanina sa. Sila alexa, yinugyog ako hanggang sa magising ako. Pero pag bangon ko nakaalis na sila. Siguro akala nila di ako papasok kaya di na nila ako hinintay. Pag dating ko sa tapat ng room namin, may naririnig na akong teacher na didiscuss sa loob. Ang topic ay about sa history ng music syempre. Napakamot tuloy ako ng ulo. Late na naman ako. Pero di naman ako pwedeng mag skip. Malalaman ni kuya hero. Iba pa naman magalit yun. Bumwelo muna ako bago nag knock sa pinto. I waited for a sec ng nag bukas ang pinto.

"You're late! Miss?" Tanong sakin ni Mrs salazar. May katandaan na din siya. Ang natatandaan ko, isa siya sa mga coaches ng piano pag may competition. Nakita ko na siya many times. Sa mga competitions na pinupuntahan ko at sa mga recital na puro si kuya hero ang gumagawa ng paraan kaya ako nakakapunta.

"Good morning Mrs. salazar. I'm Jazz-aria Montejo. Sorry for being late. I am really not feeling well since yesterday, madam." Sabi ko ng may kasamang paawa effect at mukhang may dinaramdam na sakit. With matching cross finger na patago sa likod ko. Please maniwala ka mam.

"Miss Montejo?" Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko unconciously. Okay naman ang damit ko. Naka-black fitted pants at naka-tucked in ang uniform namin polo na may logo ng academy at nakasuot din ang nametag ko.

"I'll expect more things from you in my class, Miss Montejo. You may come in." Sabi niya at nag thank you naman ako. Did kuya hero tell her? Napasimangot tuloy ako. Pero imposible! No one should know.

Pumasok na din ako sa loob at nag hanap ng vaccant seat. Ayun! sakto may vaccant seat sa likod. Malapit sa bintana. Pumunta ako dun na hindi tinitignan ang mga mukha ng mga classmate ko. Ngumiti lang ako kila alexa, raine at lyka nung nag wave sila ng kamay sakin.

"This will gonna be the last time na tatanggap ako ng student na late. Next time Miss Montejo, i won't tolerate you for that. And for your punishment. Answer the question that no one here can answer." Kaloka naman si Mrs. salazar. Pasagutin ba naman ako ng question eh di ko pa siya naririnig mag lecture. Tumayo na lang ako at napakamot nalang sa kilay. Manerism ko na ang pag kamot sa kilay pag hindi alam ang sasabihin, nahihiya o nalilito. O kaya naman biglang kinabahan.

"Ano po yun mam?" I asked. Umayos ako ng tayo. Mga angel ng musika, Please help me. Sana madali lang yung question. Pero sabi niya hindi daw masagot ng mga classmate ko eh. So ibig sabihin mahirap? Tsk. Sana alam ko yung sagot nung tanong. Para naman di ako mapahiya.

"Who invented musical notation?"Mrs. salazar asked. Really? Yun yung tanong? Tumingin muna ako sa mga classmate ko na nakatingin din lahat sa akin. Tinignan ko sila alexa at nakita kong umiling iling siya. Si raine na nakasimangot at si lyka na naka-lip bite. I faced Mrs. Salazar at sinabi ko ang sagot ko.

"In 1000 CE Guido D'Arezzo made many improvements in music theory. Una niyang in-improved at rine-worked ang standard notation para mas maintindihan at mapag-aralan ng iba, tulad natin. Naintindihan natin yun dahil sa pag dadagdag niya ng time signature. Then he invented solfege. At ang mga vocal note scale na yun ay do, re, mi, fa, so, la ,ti, do." After ko mag salita tumingin ako ulit sa mga classmate ko na nakanganga yung iba, yung iba naman nanlaki ang mga mata, may mga nakasimagot, may masama ang tingin at may iba namang nakangiti, isa na dun sila alexa,raine atlyka na parehong nag thumbs up pa.

"Very well said Miss Montejo." Sabi ni Mrs. salazar. Nag patuloy siya sa pag discuss about music history. Sa totoo lang. Alam ko na lahat ng mga pinag sasabi ni Mrs. Salazar sa harap. Kaya wala akong ganang makinig.

HeartstringsWhere stories live. Discover now