♬ 32 start off

15 1 0
                                    

"Jazz, tell me if you need anything okay?" Tumango ako kay Mrs. Alcantara ng iabot niya sa akin ang blanket.

Tumulo na naman ang luha ko ng mapatingin ako sa hawak kong kape. Naalala ko na naman siya. Mariin akong napapikit at hinayaan ang sarili na umiyak.

Matapos kong malaman ang lahat kahapon. Nag impake ako ng gamit. Umalis ako sa dorm at dumeretso sa main gate para umalis sa academy pero ayaw nila ako palabasin. Nakita ako ni Mr. Alcantara at kinausap. Sinabi ko sakanya na gusto ko ng umalis ng academy na to. Hindi ko sinabi kung anong dahilan at kung anong nangyari. Hindi naman na sila nag tanong pa.

Tinulungan nila akong mag asawa na dito muna sa tinitirhan nila sa academy ako magstay dahil ayoko ng bumalik sa dorm. Wala na akong tatakbuhan at pagtataguan pa kaya tinanggap ko ang tulong nila.

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa din ako matigil sa pag iyak. Kahit saan ako tumingin, kahit anong gawin ko. Naaalala ko ang ginawa nila. Pumapasok sa isip ko ang mga tingin ni reed. Kung paano siya umiyak. Paulit ulit bumabalik sa akin ang mga salitang narinig ko. Paulit ulit akong nasasaktan.

Sasalubungin ko ang araw na nasasaktan. Sa gabi sinasabi ko sa isip ko na, bukas mawawala na ang lahat ng sakit. Pero sinong niloko ko? Pag gising ko andoon pa din. Pag mulat ko ng mata ko andoon pa din.

Gabi gabi na din akong binabangungot. Muling bumalik ang nangyari kila mama at papa. Ang gabing sumira sa pamilya namin. Bigla akong mapapasigaw pag nagigising, minsan magigising akong may luha na ang mga mata ko. Binabangungot din ako sa ginawa nila sa akin. Ang lolo ko, si kuya hero, si tito Gregory at si reed. At lahat ng taong nakakaalam ng sikreto nila. Lahat sila napapanaginipan ko. Pinagtatawanan nila ako, kinakaawan. Umiikot ikot ako sa harapan nila na parang isang bolang laruan. Kung kailan nila gustong pag laruan at patalbugin.

Ilang beses pumasok sa isip ko ang magpakamatay. Sa totoo lang gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Pero pag gagawin ko na siya. Wala akong lakas ng loob para ituloy yun. Para bang may pumipigil sa akin. Iniisip ko nalang na ang nararamdaman kong may pumipigil sa akin ay sila mama at papa. Kaya lalo lang na naman akong umiiyak.

Ilang luha pa ba? Ilang tao pa ba ang kailangan kong mahalin na iiwan din naman ako? Ilang tao pa ba ang ko lokohin ako? Ilang araw at gabi pa ba ang kailangan kong matapos para tuluyan akong makabangon ulit?

Lumipas pa ang ilang araw na hindi ako lumalabas. Nakaramdam ako ng pagkalagkit sa sarili ko. Kaya naman tumayo na ako at huminga ng malalim.

"Tulad lang to ng dati Jazz. Kailangan mong magpagkatatag para mabuhay. Kailangan mong magsimula ulit."

Naisip ko ang sinabi ni Mrs. Alcantara nung unang gabi ko dito sakanila. Tama siya! Tulad lang to ng dati nung nawala ang mga magulang ko. Lugmok na lugmok ako noon at ilang linggo at buwan na umiiyak ng umiiyak. Madami akong nasayang na panahon.

Sigurado ako, na darating din ang araw na makakayanan ko ang lahat ng ito. Na pag maiisip ko ang pangyayari ngayon ay tatawanan ko nalang. Someday, somehow, I will be fine.

Mabuti nalang andyan silang mag asawa at tinutulungan ako. Akala ko noon, sila ang nagsabi kay Mr. Grande na andito ako sa academy. Yun pala ay alam na niya noong una palang na andito na ako.

Naligo ako, inayos ang hinigaan ko at inayos ang mga gamit ko. Sabi ni Mr. Alcantara ay pwede na akong lumabas ng academy mamaya. Isisikreto nila ang paglabas ko. Walang nakakaalam na nakatira ako sa tinutuluyan nila sa academy. Hindi ko alam kung walang nakakaalam o wala na din silang pakialam kaya hindi na nila ako ginulo pa. Pinatay ko ang phone ko. Hindi ko na yun kailanman hinawakan.

Gusto ko ng lumabas. Hindi ko na hihintayin ang last performance. Paano pa ako makakapag perform diba? Baka malugmok lang ako doon. Hindi ko kayang makita sila, hindi ko kaya na makita pa siya. Madudurog lang ng madudurog ang puso ko.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon