♬5 Bach suite no. 1

35 3 0
                                    

Nagkwekwentuhan kami ng mga powerpuff friends ko ng sakto namang dumating yung music teacher namin.
Nag discuss lang ng konti sa history ng music. After that may sumunod na naman na class. Every class kasi dito is 2hours. Nag start ang class pag 8am na. So after ng 2nd class namin is lunch na.

"When did music invented?" Tanong ng professor. Alam ko naman ang sagot pero ayoko magpakitang gilas. Madami ang nagtaas ng kamay kaya di na din ako nag aksaya.

"Oh sorry! I think you all forgot that I don't pick through raising hands. I do pick in here." Turo ng teacher sa isang transparent fish bowl. Napasimangot ako ng dahil doon.

"Cuevas, Hannah." Sabi ng prof at nakangiting tumayo naman ang classmate namin na ang pangalan ay Hannah.

"Music was first invented from Paleolithic period. But it's still unclear if it's between 300,000 to 50,000 BP." Over confident niyang sagot at tama siya.

Lahat kami dito ay may name tag sa shirt na suot namin. Kaya no need to introduce yourself na, na ipinagpasalamat ko ng sobra. Kaya pag tinawag ang pangalan ay automatic na lilingon sayo ang mga classmates mo.

"Who started the music?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na yan.

May tinawag siya si Tyron. At sinagot naman niya ito na si Greek Philosopher Pythagoras ang nag umpisa ng music. Which is tama na naman siya.

Nagpatuloy ang recitation na hindi ako natawag kaya naman laking tuwa ko talaga. Hanggang sa umabot na kami sa second class namin ng umaga which is about sa mga instruments and notes para mas maliwanagan kami sa mga iba't ibang instruments at notes. Hindi kasi pwedeng magaling ka lang mag guitara ay okay na. Paano kung pinabasa ka ng mga music notes at patugtugin ka diba?

Nang matapos ang dalawang class hinila ako agad ni alexa at pumunta na sa cafeteria.

Bigla kong naalala. Oh no!! Makaka-table namin ang demain. Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng matense pag nasa harap ko na sila, lalo na siya. Pero doon naman ako magaling ang itago ang nararamdaman ko. Sabi nga ni kuya hero ay mahirap akong basahin. At ganun din ang sinabi ng powerpuff sa akin kahapon ng magkwentuhan kami.

Matapos ng mga sinabi niya sa akin sa old building ay hindi ko na siya nakita kahapon dahil siguro half day lang kami. Kasalukuyan na kaming kumakain ng dumating ang demain band. Hindi pa ako tumitingin sakanila at itinuloy lang ang pagkain. Pero na sakanila ang buong atensyon ko ayoko lang magpahalata.

"Oh. Siya ba yung new friend niyo na umalis kahapon?" Tanong ni Ivan Romero.

Umayos ako ng upo at tumigil sa pagkain. Hindi naman ako bastos na tao. Tumingin ako kay Ivan Romero.

"Yup kuya. Ahm, ate jazz this is my brother, Ivan Romero. Kuya this is our new friend, room mate and classmate, ate jazz-aria Montejo." Pakilala ni Alexa sa kuya niya at sa akin.

"You're that girl. So your name is jazz. Nice name." Nag smile lang ako. That girl? Anong that girl? Tinanong siya ni Alexa pero umiling lang ito.

"And ito ang mga kuya ko ate jazz. This is Christian and Jesse Perkins. Obviously, they're twins." Sabay tawa ni lyka. Siya lang yung tumawa. Pero napangiti naman yung mga kuya niya. Ngumiti sila sa akin.

"Nice to meet you jazz." They said in unison. Ang cute. Nag sabay pa silang nag salita. Nag samaan tuloy sila ng tingin. At Hindi ko napigilan ang tipid na ngumiti.

Itinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko. Pero may hinihintay pa akong ipapakilala nila. Pero narinig kong sabi ni Ivan na nag paalam daw kanina sakanila na may pupuntahan lang. nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Makakakain ako ng maayos.

HeartstringsWhere stories live. Discover now