♬7 Noel and Elise

47 3 0
                                    

Madaling lumipas ang araw at eto nga saturday na ngayon. Every saturday ang dapat daw gawin dito sa academy ay sports. Syempre kailangan mo pa rin maging totally fit and healthy. May mga sports na pwede mong salihan. Bahala ka na lang pumili.

Pinili ko ang lawn tennis dahil eto lang naman ang sports na kinahiligan ko. Mahilig din kasi sila papa at mama sa ganitong sports kaya naman may alam din ako kahit na papaano.

Hindi ako sumali sa volleyball na sinalihan nila raine. Hindi kasi ako sanay sa tinatawag na "team work." Baka maging tanga lang ako pag yun ang sinalihan ko. Ang demain band naman ay of course basketball ang sinalihan nila. Speaking of them. Papalapit na naman sila sa amin ngayon.

Nitong mga nakaraang araw mas naging kasundo ko si Ivan. Siya kasi yung laging nag uumpisa ng conversation kaya less awkward talaga pag siya ang kaharap ko. Sa kambal naman ay okay din pero minsan hindi ko sila nakakausap kaya naman di ko din alam kung paano sila I-approach. At parang ganun din sila sa akin. Medyo binabalanse pa namin ang isa't isa.

"Hi mga princess." Sabay beso sa aming lahat.

Actually dati sila lang binebeso pero simula nung 4th day namin dito. Pati ako napapasama na sa princess princess na yan. Wala na lang akong magawa kasi nakasanayan na daw nila. Tsaka nag iisang friend naman daw ako ng mga powerpuff kaya isinama na din nila ako sa mga princesa nila. Napag alaman ko na mas matanda pala sila sa akin ng 2 years din. Kaya tingin ko ay mga kuya ko nalang sila.

Okay naman yun sa akin. Wala namang malisya kasi napaka-bait nila. Pwera kay reed na hindi ko naman gaano nakakausap at nakaka-bonding dahil simula nung party hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Lagi siyang wala at hindi pumapasok. Ang sabi naman nila nung minsang nag tanong ako. Ganun na daw talaga siya, hindi na mag babago. Never pa daw niyang na straight ang 1 week na papasok. Nagkibit-balikat na lang ako sa paliwanag nila nun sa akin at syempre sinamahan pa ng pang aasar ng kambal.

Manlalandi tapos mawawala din pala! Galawang playboy talaga..

"Jazz, dapat kasi volleyball ka na lang para kasama mo pa din sila raine." Sabi sakin ni ivan. Ngumiti na lang ako sakanya. Alam naman na nila kung ano ang dahilan ko eh. Pero pinipilit pa din nila ako.

Si ivan ang pinakamadaldal sakanilang apat pag nakaclose mo na. Akala ko nga noong una ay si Jesse pero nahalata kong simula ng maging komportable sila na kaharap ako si Ivan pala ang madaldal sakanila. Masyado siyang open sa lahat ng bagay. Pati mga ginawa niya sa buong araw at sa mga babae niya, kwinekwento niya sa amin. Kaya parang kilalalang kilala ko na siya. Magaan siya kasama and never a dull moment pag si Ivan ang kausap mo.

"Dude, wag mo na pilitin si jazz." Sabi naman ni jesse.

Jesse as jesse ay talagang maintindihin. Sobrang open minded na tao. Yung tipong hindi mo na kailangan mag paliwanag sakanya dahil naiintindihan niya na agad. Napaka-babaero niyang si  jesse. Pero gentleman na babaero hindi katulad ng kakambal niyang rude sa mga babae. Gustong gusto ko pag kumakanta si jesse kesa sa dumadaldal. Paano ba naman kasi pag nag sasalita na siya ng mahaba. Palakas ng palakas ang boses. Akala mo naman nasa crowd siya at may malakas na volume sa paligid pag nag sasalita siya. Pero ganunpaman ay hindi iyon nakabawas sa charisma niya.

"Pero mas okay din sana jazz kung volleyball ka para mas enjoy. Kesa sa tennis, walang ka excite excite panoorin." Si Christian na napakareklamador. Promise yan!

Lahat inerereklamo niya at lahat tinatanong niya. Masyado din siyang curious sa mga ibang bagay kasi para siyang bata na kailangan mong turuan. Lagi siyang confused at parang slow sa pag pick up ng mga jokes ng mga kasama namin. Minsan nga hindi ako sa joke ni alexa natawa eh. Dahil natatawa ako sa pag mumukha ni chris na nakakunot ang noo at tinitignan ang mga kasama namin na sobra na humagalpak sa tawa tapos siya eh iniintindi pa din yung joke. Yung iba nahimasmasan na sa tawa nila pero siya mag sisimula pa lang. Hahaha! Epic yun! And he's a bad playboy. Take note yan! Wala siyang pake sa pakiramdam sa mga nakaka-fling niya. Not like his twin na mas light kung makipag break sa mga babae. Si Christian walang salita at paliwanag. Basta iwan nalang agad.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon