♬24 Happy chemicals

20 1 0
                                    

Masaya akong naglalakad sa hallway ng girls dormitory. Lahat ay napapatingin sa akin pero wala akong pakialam.

Grabe! Ganito pala yung feeling ng inlove na inlove? Yung kahit na may problema ka, andyan lang siya okay ka na. Yung pagod ka pero hindi! Yung malakas ka pero nanghihina ka na energetic ka na ewan? Ah basta! Ang hirap ipaliwanag.

Nakangiti pa din ako hanggang sa makarating sa kwarto namin ni raine.

"Good evening!!" Masaya kong bati at dahil tumutugtog ang isang kantang you're beautiful sa mp3 niya ay hinila ko siya patayo at nag sayaw kaming dalawa.

"Someone's happy today." Puna niya sa akin habang nagsasayaw kami. Dinig ko ang nang aasar niyang tono but I'm too happy right now.

"I've never been this happy for three years, raine! Grabe! I'm deeply madly inlove with your brother.." I said dreamily and I twirled her while we are still dancing.

"I also know that he also do." Kinilig akong tumawa sa sinabi niya at nag patuloy kami sa pagsayaw habang tumatawa.

-

Monday at walang pasok. Pero nasa cafeteria kami ngayon ni Alexa at lyka para kumain ng breakfast. Kokonti lang ang students sa cafeteria dahil panigurado tulog pa ang iba.

"Ate jazz, tapos ka na sa performance mo?" Tumango ako kay alexa habang humihigop ng mainit na kape.

"At kailan ka pa nahilig sa coffee?" Tanong naman ni lyka na ikinatawa ko. Pareho nila akong tinignan na para akong may sayad sa ulo.

"Since yesterday.." Sagot ko at nginitian lang ulit sila.

Sobrang ganda ng mood ko after namin nag spend ni reed ng buong maghapon kahapon. Gabi na ng nakabalik ako sa dorm at magdamag din kaming nagchat at nagtawagan.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko dahil may naalala ako.

Reed: I almost forgot. I stole one of your shirt yesterday besides the shirt I was wearing :)

Nakatitig lang ako sa phone ko ng magdatingan sila Ivan, Jesse at Christian.

"Hey princesses.." Tumingin lang ako saglit sakanila at tinuon ulit ang atensyon ko sa phone dahil typing na si reed.

Reed: What's mine is yours, future Mrs. Fontanilla.

Napatakip ako sa mukha dahil sa kilig. Grabe! Hindi ko na mapigilan ang kilig ko Hindi katulad dati. Ngayon lantaran na akong kinikilig.

"You are just like reed. You both are in such a good mood since last night." Binangga pa ni Jesse ang balikat ko. Nginitian ko lang siya.

Reed: Oh and btw, meet me at the river this afternoon. I love you!

Me: Sure! I love you, too!

Bahagya kong pinukpok ang phone sa ulo ko sa sobrang kilig. Pag tunghay ko ay nagsibalikan sa mga pwesto ang mga kaibigan ko. Pinaningkitan ko sila ng mata dahil nahuli kong sumisilip sila sa conversation namin ni reed.

"We have to go na pala." Tumayo si Ivan at umiwas na makasalubong ang mga tingin ko.

"Yeah. We need to get ready bro." Sumunod na din si Christian kay Ivan.

HeartstringsWhere stories live. Discover now