♬26 Back to real world

16 1 0
                                    

Napatingin ako sa paligid paglabas ko ng dorm. Tanging ang dala ko lang ay isang bag pack na naglalaman ng importante kong gamit. Hindi na ako nag dala pa ng mga damit ko dahil may mga damit naman ako sa condo kung saan ako pinapatuloy ni kuya hero.

Maliban din sa bag pack ko ay dala dala ko ang gitarang regalo sa akin ni papa. Ginawa niya yun nung 13th birthday ko at hanggang ngayon ay nasa akin pa din.

"Ate jazz!" Nang makita ko ang mga kaibigan ko lumapit ako sakanila.

May mga nakaparada ng mga iba't ibang klase ng sasakyan sa harap ng girl's and boy's dormitory. May mga nag kakarga na ng gamit nila sa sasakyan ang iba ay paalis na din. May mga Iba naman na sumakay sa golf car dahil mukhang wala silang sundo at sa gate ng academy nalang magpapahatid.

"Sabay ka na sa amin.." Pagyaya ni raine. Hindi ako agad nakapag salita ng mamukhaan ko ang babaeng kasama nila.

"Hi jazz, how are you hija?" Malaki ang ngiti sa akin ng mommy ni raine at reed.

"Uhm.. Okay lang po. Kayo po?" Magalang at nahihiya kong pagsasalita.

"I'm super happy. Lalo na ng tumawag si raine sa akin na makakasama namin sila ng kuya niya sa pasko and new year. Kasi naman, never pa kaming nag celebrate ng Christmas and new year without them. Kaya I was so sad pero ngayon hindi na." Napangiti din ako dahil nakakahawa ang ngiti niya. Very contagious ang smile ng mag iina na ito.

Nahihiya pa din ako sa mommy ni reed dahil noong huli kaming nagkita. Unang beses ko pa naman siyang nakilala noon tapos ganun pa ang mga pinagsasabi ko about sa anak niya.

"Mom, can ate jazz ride with us?" Singit ni raine. Tumingin naman ulit sa akin si tita cynthia. Iba talaga ang mga ngiti niya nakakahawa.

"Of course naman. Hahayaan ko ba naman na uuwi mag isa ang future daughter-in-law ko?" Kinindatan niya ako at nahihiya naman akong ngumiti.

Pasimple akong tumingin kay raine ng hindi siya nag react. Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring may hinanap.

Alam ko naman na gusto niyang sabihin sa akin pero tama naman siya. Dapat si reed ang magsabi sa akin tungkol sa fixed marriage na yun. Dahil si reed naman ang ikakasal sa Iba at hindi si raine. Mas gugustuhin ko din na si reed ang magsabi sa akin.

"Asan na sila lyka at alexa?" Tanong ko ng hindi ko makita ang dalawa.

"Naku! Nauna ng umalis. Excited na pumunta sa spa. Mag pa-pamper daw sila." Umikot ang mata ni raine na ikinatawa ko. Yung dalawang yun talaga.

"Eh yung mga boys?"

"Speaking of..." Sabi ni tita Cynthia. Tumingin ako sa tinitignan niya at napangiti ng magsalubong ang tingin namin ni reed.

"Hey babe.." Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Bahagya kaming nakaharap sa mommy niya na nakangiting pinapanood kami.

"Ahhh. Young love." Tila kinikilig niyang sabi. Natawa si raine sa mommy niya at pinapaiwas ito ng tingin sa amin.

"Jazz!" Bahagya akong binitawan ni reed kaya nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin.

Bumaba si ate aimee sa sasakyan niya. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Buti nalang naabutan kita. Kung Hindi lagot ako kay hero." Napatigil siya ng mag ring ang phone niya. Alanganin akong tumingin kila reed, raine at tita cynthia na pinapanood si ate aimee. Does she know na siya ang asawa ni kuya hero?

"Ano? Yes I'm with her na. Don't worry akong bahala. Ginawa mo na nga akong driver, ginawa mo pa akong bodyguard. Yeah. Whatever. Oo na! Akong bahala sa anak natin na to. Ito nga at nag p-pda pa sila. Kukurutin ko to mamaya sa sasakyan. Nagmana sayo ng kakirehan-." Agad kong tinakpan ang bibig ni ate aimee dahil nasa harap lang namin ang mommy nila reed na nakangiting pinapakinggan siya.

Heartstringsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن