♬22 Mr. Grande

21 1 0
                                    

The performance was a success. Pero ito na talaga ang judgement day namin.

Nakipag unahan si raine, lyka at alexa na sumingit para tignan ang result. Nag vibrate ang phone ko at binasa yun.

Kuya hero: I'm really sorry jazz. I've tried! He knows I'm helping you all along. He's sending me to 'only knows where' I'm planning to escape with aimee today. I want you to come with us please...

Parang may kung anong nangyari sa puso ko dahil sa nabasa ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. I feel so guilty somehow dahil si kuya hero ang naiipit sa sitwasyon at nadadamay na din si ate aimee.

Pagmulat ko ng mata bagsak ang balikat nila raine, lyka at alexa na bumalik sa amin nila reed. Mahigpit akong hinawakan ni reed sa kamay ko. Sa expression palang ng mukha ng tatlo mukhang alam ko na.

Sinasabi ko na nga ba! Wala talagang puso ang matandang yun! Ako na mismong kadugo niya! Sarili niyang apo ay sisirain niya ang pangarap! Pati ang mga kaibigan ko ay dinamay pa niya!

Mabibigat ang pag hinga ko at masama ang tingin sa kung saan. Mamaya maya napatingin ako kay raine ng hawakan niya ang balikat ko. Tumingin ako sakanya at unti-unti siyang ngumiti. Nagtaka akong tinignan siya at nang magtatatalon silang tatlo ay nagkatinginan kami ni reed.

Mabilis na pumunta sa harap si jesse at christian at sinilip ang result. Nakipag siksikan sila sa mga students na andoon na tumitingin pa din sa results.

Bumalik ang kambal at gulat na gulat ang itsura. Napatingin pa sila sa amin lahat at hindi ko na mahintay ang suspense.

"Fuck! Just tell us already!" Sigaw ni reed na nag palingon sa ibang students.

"We.. We are ranked 1.." Halos pabulong na sabi ni christian pero rinig na rinig ko.

"OH MY GOD!!! WE ARE RANKED ONE!" Sigaw nila lyka, raine at alexa.

Hinila ko si reed at hindi na ako sumingit pa dahil kusang tumabi ang mga students para sa aming dalawa. Mukhang natakot sa pagsigaw ni reed kanina.

I let out a loud breath when I saw our names on ranked one! Hindi sa first time namin ni reed mapunta sa ranked one. We are expecting the worst kaya hindi namin ineexpect na ranked one kami.

Nakangiting tumingin ako kay reed. Tumalon ako at niyakap siya. Natatawa siyang niyakap ako pabalik.

"Babe, we are ranked one.." Bulong ko sakanya at talagang hindi makapaniwala.

"And we fucking deserved it!" Masaya niyang sabi.

Bumitaw ako sa yakap at lumapit na kami sa mga kaibigan namin saka sumigaw at tumawa sa isa't isa dahil sa sobrang kasiyahan.

-

"What did he say?" Umiling ako sa tanong ni reed.

"Still no reply." Huminga ako ng malalim at muling tinawagan si kuya hero pero tulad kaninang umaga ay naka-off pa din ito.

"What if may nangyaring masama sakanya? Sakanila ni ate aimee? Reed, kinakabahan ako." Lumapit sa akin si reed at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"I'm sure that there's nothing bad happened to them. Hero is a smart guy. Remember, he hid you alone and deceived his own father and grandfather for three years? I'm sure he had a plan." Tinignan niya ako ng deretso sa mata. Making me sure that I understand what he said.

Tumango ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Kinulong niya ako sa bisig niya. Paulit ulit niyang hinalikan at hinaplos ang ulo ko and that makes me calm.

"Everything will fell into the right places, babe. Don't worry." Bulong niya sa akin at paulit ulit na sinabi yun.

-

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon