♬8 Friend

83 4 1
                                    

Niyaya ako nila alexa, raine at lyka na pumunta sa isang secret place na nakita nila kahapon. Medyo malayo daw siya sa school. Pero safe naman daw kasi hindi pa naman nakakalabas sa academy yung secret place na yun. Napailing tuloy ako dahil pangatlo na ata itong secret place para sa akin. Una ay yung hide out namin ni kuya hero. Pangalawa ay ang old building. Tapos ito naman? Masyado ata akong malapitin sa secrets? Sabagay lahat nga ng pagkatao ko ay sikreto.

May dala dala kaming mga bagpack para itago yung mga gamit na kakailanganin namin, which is food,water,extra clothes,blankets,gadgets and other stuffs. I know we're going to have picnic. And I like the idea of it. Kaya hindi na ako nag salita dahil kahit humindi man ako sa kanilang tatlo, i ended up going with them. Ganyan sila, hindi sila pumapayag na hindi ako makasama.

My phone just beeped so I stopped walking para i-check kung sino ang nag text. And hindi naka-register sa phone ko ang number. I read the message again and again. Is this really for me or wrong sent lang? The text messages say...

Hey, keep smiling everyday.

I replied. Nag lalakad ako ng mabagal habang nag ta-type and I press send.

Me: Who r u? Wrong sent ka!

Unknown: I'm not. I am pretty sure that it is you I'm texting jazz.

Me: Leave me alone!

Unknown: I can't.

Me: Stop texting me.

Unknown: Maybe I stop later, See you

Hindi na ako nag reply at ayokong pag aksayahan ng oras yung nag text. Halatang nang tritrip lang naman eh. Ayaw mag pakilala oh di wag. Bahala siya! Lakad takbo na ang ginawa ko para habulin sila alexa. Medyo nakalayo na kasi sila eh.

We arrived in the secret place. Ang ganda dito! There are so many flowers everywhere. Ang daming mga nakatanim na ligaw na bulaklak tapos may mga animal plants pa na nakapalibot. May mga malalaking bato sa dulo. May narinig akong agos ng tubig. Lumapit ako dun at ramdam kong sinundan ako ng tatlo. May ilog pala dito. Unlike ng ibang ilog. Kakaiba to. Malinis ang tubig at kitang kita mo yung mga bato sa ilalim. Hindi siya gaanong malalim pero siguro pag pumunta ka sa gitna malalim na.

Tumingala ako dahil sa mga ibon na lumilipad. Hinarang ko yung kamay ko sa araw para hindi ako masyadong masilaw. Nilibot ko ang tingin sa paligid. This place is so calming. Wala kang ibang maririnig kundi ang agos ng tubig at yung mga pagaspas ng dahon dahil na din sa hangin. Kahit matirik ang araw, hindi namin iniinda dahil sobrang presko ng hangin. I inhaled deeply and exhaled slowly. I love the feeling.

Sobrang na-amaze ang mga kasama ko sa nakikita nila. Ako kasi, sanay na ako. Laking probinsya kaya to. Kaya sanay na ako sa mga ganito kagandang lugar na pinupuntahan. Sa probinsya namin, ang daming mapupuntahan na ganito. Kaya nga nagustuhan ko agad dito eh kasi pakiramdam ko. Nag balik probinsya ako.

Hindi din nag tagal ay naka-get over na kami sa ganda ng nakikita namin. Nilagay namin yung mga bag at ibang hawak namin na gamit sa malaking bato. Pag punta namin doon. May mga nakita kaming tent na naka-set na dati. 6 tents to be exact. Sumigaw si alexa at tinawag ang kuya niya. Napalingon silang lahat sa amin. Sumenyas si Ivan na lumapit kami sakanila. Bakit andito sila? Andito din ba si reed? Napaayos ako ng buhok ng wala sa oras.

Habang nag lalakad kami, nauuna si rain at lyka tapos si alexa na katabi ko, mukhang inis na inis na nakatingin sa mga makakasama namin. Tinignan ko kung sino sino sila. Meron si Ivan, Jesse at Christian. May mga kasama din silang babae. May hinahanap ako kaya nilibot ko ang tingin ko sa paligid.

HeartstringsWhere stories live. Discover now