♬14 Falling deeper

17 1 0
                                    

"Good morning, ate jazz!" Bati sa akin ng tatlo paglabas ko ng kwarto.

"Tara! Let's eat breakfast."

"Pinadala nga pala ni kuya reed!"

"Dapat pala nung first day of class mo pa siya sinagot eh di may breakfast tayo everyday pag kagising!"

"Tama! We don't need to go to cafeteria anymore!"

"Mas marami pang time para mag make up!"

Napangiti ako sa pinag sasabi nilang tatlo. Inabot sa akin ni raine ang isang bungkos ng bulaklak na ngayon ko lang nakita. Binuksan ko ang nakalagay na notes at lalo akong napangiti.

My jazz,

Good morning! Hope you like the breakfast! Dinamihan ko na kasi baka agawan ka pa ng tatlo!

I apologize if this flower is artificial. But I promise once we get out of here. I'll buy you tons of flowers so you don't have a choice but to think of me whenever you see it. Lily of the valley symbolises happiness!

Thank you for making me the happiest guys in this academy - R.C

Sinabayan ko sa pagkain ang tatlo. Mas madami ang time namin magkwentuhan at kumain dahil hindi na namin kailangan pumunta ng cafeteria. Nang matapos ay hinintay ko lang silang matapos gumayak.

Tumayo na ako at lumabas ng dorm room namin ng makita kong ready na sila. Ako ang nag lock ng pinto. Nakasunod lang ako sakanilang tatlo na masayang nag kwekwentuhan.

Nag beep ang phone ko kaya tinignan ko yun. At napangiti ulit sa text ni reed.

Reed: Good morning honey? Babe? Baby? Love? Err. What do you want me to call you?

Napaisip ako sa tanong niya. Naisip ko ang jam na tawag niya sa akin noong una. Nawala ang ngiti ko ng dahil doon dahil sabi niya Initials ko daw yun. Paano kaya kung malaman niya na hindi Montejo ang totoo kong apelyido?

Me: Good morning! Thanks pala sa breakfast and flower. Babe?

Nagmadali akong maglakad dahil malayo na yung tatlo. I sighed heavily ng maisip ko ang hidden identity ko. Should I tell him? Napailing ako dahil masyado pang maaga para doon.

-

"Babe, listen to this." Pinakinggan ko ang tinutugtog ni reed sa lumang piano.

Nginitian ko siya sa pagtawag niya sa akin ng babe. Atleast hindi na ako masyadong magi-guilty pag tinatawag niya ako ng jam. Pag naririnig ko kasi yun. Pinapaalala lang sa akin na hindi ako totally honest kay reed.

Gusto ko naman sabihin sakanya. Gusto kong ikwento kung bakit kailangan kong mag tago. Pero humahanap lang akong magandang tyempo. At isa pa masyado pang maaga para magtiwala ng buo kay reed at sa kahit na sino.

Last time na nagtiwala kami ni kuya hero, hindi maganda ang kinalabasan. Umiling ako para maalis ang alaala na yun.

Tinitigan ko siya habang tumutugtog siya ng piano. Hindi ko aakalain na ang ganitong klase ng lalaki ang magkakagusto sa akin. I mean imagine, I'm not that pretty. Hindi ako kaputian, hindi din mataba o mapayat, may baby fats pa nga. Hindi ako sing ayos ng ibang girls, Hindi ako sing porma nila. Simpleng  simple lang. Hindi maliit at hindi din naman matangkad. Walang masyadong nagsasabi sa akin na maganda ako. Maliban sila mama, papa, kuya hero at ate aimee. Hindi ako nabusog sa compliments ng ibang tao pag dating sa itsura ko kaya siguro hindi ako confident sa appearance ko. Pero sa talent busog na busog ako.

Kaya hindi ko maintindihan na bakit ang katulad ni reed ay gugustuhin ako? Hindi lang siya gwapo. Sobrang gwapo! Maputi at halatang mayaman ang balat, maganda ang mga ngipin at mapuputi. Matangos ang ilong, maganda ang shape ng may kakapalan niyang labi. Makapal din ang kilay niya na nag bibigay sakanya ng suplado features. Mahahabang pilikmata na tinalo pa ako. At ang mga mata niya na laging nangungusap. Matangkad din siya, sobrang gustong gusto ko ang mahahaba niyang daliri. Isang senyales na isa siyang musician. Napakalinis niya sa lahat ng bagay and I'm addicted to his smell. Ang sarap amuyin! Nakakakalma!

HeartstringsWhere stories live. Discover now